Clifford’s POV Halos masiraan ako ng ulo dahil sa pagkawala ni Hailey, hinalughog ko na ang buong Mall ngunit bigo ako na mahanap ito. Tumulong na rin ang management ng Mall sa paghahanap ngunit wala pa ring nangyari. Pakiramdam ko ay mamamatay na ako dahil sa matinding pag-aalala. Nakita kasi mula sa isang video ang paglapit ng hindi kilalang lalaki kay Hailey, maging ang biglaang pag-akbay nito na hindi man lang magawang lumaban ni Hailey sa lalaki. Kita sa video na panay ang lingon ni Hailey sa paligid na wari mo ay may hinahanap habang patuloy ang buka-sara ng bibig nito. Kahit walang sounds ang video ay naiintindihan ko pa rin ang sinasabi nito, “Dad...” iyon ang paulit-ulit na binibigkas ng mahal ko. Halos maiyak ako sa matinding frustration dahil kung ano-ano ang pumapasok sa

