Reign’s POV Hindi ko inaasahan na dadatnan ko ang aking asawa dito sa bahay nila Papa. Nakadama ako ng galit nang makita ko kung paano titigan ni Charice si Clifford. Lantaran ang pagpapakitang gilas nito upang makuha ang atensyon ng aking asawa. Mas lalong uminit ang ulo ko ng ngumiti naman ang asawa ko sa aking stepsister. Nang banggitin ni Clifford ang salitang wife at narinig ko na sumagot si Charice ay nagpanting ang tenga ko, tila isang senyales ito na maaaring mawala sa akin ang asawa ko. Mabilis kong iniwan ang mga ito dahil baka hindi ako makapagpigil ay maitaob ko pa ang lamesa. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong umalis na si Clifford, Ilang araw kasi akong namalagi sa aking Condo dahil nabugbog yata ng husto ang katawan ko noong gabi na may nangyari sa amin. Ang l

