Harvey’s POV “C-Cassandra? Oh my God! Ang anak ko!” Naiyak sa labis na kagalakan si Don Fernand ng makita nito ang bunsong anak. Mabilis itong lumapit at niyakap ng mahigpit si Cassandra, nagtatakang tingin naman ang ipinukol ng dalaga sa hindi nakikilalang ama. “Ang anak ko! Sa wakas bumalik ka na sa amin, Diyos ko, salamat po.” Naiiyak na wika naman ni Doña Amelia at sabik na lumapit sa anak upang ito ay mayakap. Walang tigil sa pag-iyak si Almira habang malungkot na nakatitig sa kan’yang kapatid na nakatulala lang at nanatiling walang expression ang mukha. Hindi nila inaasahan na magkakaganito si Cassandra kaya labis na nasaktan ang buong mag-anak dahil sa kalagayan ng dalaga. Ipinahanap ko ang pamilya ni Cassandra upang humingi ng tawad sa mga ginawa ko sa kanila at para ipaalam

