Imogen POV "Bakit ka pala andito ha? Hindi ka ba nahirapan pumunta rito?" Inalis na niya ang pagkakakrus ng mga kamay niya sa dibdib at niyakap ako sa leeg. "Hindi naman. Sanay naman ako byumahe. Nanibago lang ako rito," sambit niya. Ngumiti naman ako. "Pero masaya naman dito. Tahimik kaya!" "Oo, napansin ko nga," sagot niya. Walang nagsalita sa 'min at nanatili lang akong nakaakap sa kanya. Naramdaman kong umalis siya sa pwesto namin at naglakad sa kwarto ko. Huminto siya sa tapat ng higaan ko at may tiningnan sa dingding. "You kept it," tukoy niya sa drawing niya sakin dati. Pinaframe ko pa iyon at dinikit sa kwarto ko. Andoon rin 'yong drawing ni Eustasia na bigay sakin nung birthday ko. Pati 'yong portrait naming dalawa ni Victor na bigay niya rin sa akin 8 years ago.

