Imogen's POV "Huwag ka masyadong gumalaw!" bulyaw sa 'kin ni Orion sabay balik ng tingin sa ginagawa. Tumaas naman ang kilay ko sa narinig. "Ay, sinisigawan mo ako?" malamig kong tanong. Umangat ang tingin niya sa 'kin. "Wife hindi naman... Eto na matatapos na nga po oh," malambing niyang sambit. Kanina pa kasi ako sa pwesto ko. Nakaupo ako sa high stool chair, nakataas ang isang paa at akap-akap ko habang nakatingin sa kanya. "Baka naman kung ano na ginuguhit mo diyan ha!" sigaw ko. Natawa siyang umiiling habang nakatingin pa rin sa ginagawa. Bumaba ang tingin ko sa sahig dahil madaming nakakakalat, marami pa pala akong liligpitin mamaya. Ang harot kasi niya gumawa kaya kumalat 'yong iba naming gamit, kanina nagpi-painting kami, ngayon i-drawing naman daw niya ako. "Inaantok
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


