Imogen POV Masaya akong nagdadrive papunta sa condo na sinasabi ni Orion. Hindi naman na kasi ako nakasama sa party nila kagabi kaya sabi ko sa kanya umaga na lang ako pupunta. He told me na andun si Victor kagabi. Hindi naman niya nakita after ng ilang oras pero hindi pa raw 'yon umuuwi baka nakatulog na sa unit na para sa kanya. Makakausap ko na siya. Isang taon lang naman tapos magiging malaya na ako. Pwede na ulit kami. Damn, I miss him. Naging mabilis lang byahe ko dahil sabado naman at hindi traffic. Sinabi ko na lang sa reception yung name ni Daegan at sinabi na sa 30th floor. Yun din ang text sa akin ni Orion. Sinabihan ko na rin siya na nasa elevator na ako. Paglabas ng elevator ay bumungad sa akin si Orion, na nakapants at white tshirt. "Good morning, walang hangover?

