Imogen POV "Hi tito panget!" bati niya kay Mattias at humagikgik. Binelatan lang siya nito. Lumapit ako kay Shay at pinunasan siya. "Tito hanap na tayo ng papa?" "Shay..." suway ko rito. Sumimangot naman siya at tumingin ulit kay Mattias na nakangiti habang hawak ang phone niya. "Oo baby, mamaya okay?" napailing na lang ako sa pinagsasabi nitong dalawa. "Huy pre! Nasaan kayo?" narinig kong tanong niya habang nakatutok sa mukha niya yung phone may kavideo call ata siya. Nilagyan ko muna ng pulbos si Shay sa harap at likod bago isuot 'yong damit niya. Pagkatapos ay sinuklay ko 'yong mahaba niyang buhok. "Nasa moa kami! Nasa manila kana ba?" napahinto ako nang marinig ko 'yong boses na yon. It's Daegan's voice. "Oo nasa manila na kami! Kita tayo? Manlilibre daw si Faust ha!" So, magk

