Imogen POV Nang makalayo kami ng kaunti ni Eus ay may humablot ng kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay. Ano na namang kailangan nito? "What?" "Let's talk. Saglit lang, importante to." Seryoso niyang sambit. Ano naman sasabihin niya? "Imo!" narinig kong sigaw ni Eus, at nanlaki mata niya nang makita niya si Orion. Sinenyasan ko muna siya na saglit lang at tumango siya. Hinarap ko si Orion, gumilid siya ng kaunti at sumunod ako. "Ano sasabihin mo?" Huminga siya ng malalim bago magsalita, lumapit siya ng kaunti sa'kin. "You're mom texted me. May pupuntahan tayong dinner. We need to go there," mahina niyang saad. Nailagay ko naman ang mga kamay ko sa bewang ko at napakagat sa labi. "Are you serious? Hindi ba pwe—" hindi na niya tinapos 'yung sasabihin

