Imogen POV Alas syete pa lang ng umaga ay gising na ako, nagulat pa ako nang makita si Orion na nakahiga sa sofa, hawak ang remote at nililipat ang channel. Halatang bored na bored siya. Magulo ang buhok ko at wala pang hilamos na pumunta sa kusina dahil nauuhaw ako. Kinuha ko 'yong isang bottled water at pumunta sa sala para umupo sa maliit na sofa. Medyo nakapikit pa ang mata ko at matamlay na binuksan 'yong bottled water. Parang nabuhay ang katawang lupa ko nang marinig na may nagdoorbell. Agad napaupo si Orion at sabay kaming tumungo sa pintuan para silipin sa door hole kung sino 'yong nagdoor bell. Agad akong nagpunta sa ref at binalik 'yong bottled water na kinuha ko. Tumunog ulit yung door bell kaya tiningnan ko si Orion na pinatay ang tv. "s**t! Orion bakit andito sila?!"

