Tahimik lang ako habang nakaupo dito sa kama habang hinihintay ko si Leon na lumabas ng banyo. Naligo ito saglit kaya napahawak na lang ako ng mahigpit sa kamay ko. Kabado ako dahil hindi ko alam na nandoon ito kanina sa kumpanya at tila galit na galit pa ito at Tito Rihan. Napatingin ako sa cellphone ko na tumutunog kaya agad ko itong sinagot dahil si Ria pala ang tumatawag. “Angie alam ko na magagalit ka sa akin pero, sorry hindi ko na kasi kaya ang ginagawa ng mga ka-trabaho mo kaya ako na mismo ang nagsabi kay Sir Rihan tungkol sa ginagawa nila sayo.“ Ito ang narinig ko mula kay Ria na umiiyak kaya napaiyak na rin ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nagpapasalamat ako dahil malaya na ako sa mga bully sa trabaho ko pero marami silang mawawalan ng trabaho. “Okay lang Ri

