Kahit alam ko na hindi galit si tatay at nanay sa relasyon namin ni Leon ay kabado pa rin ako. Ngayon na makakaharap nila si Leon ay hindi ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko. “Angelina come on babe, don't be nervous as if naman na sasalubungin ako ng itak ng tatay mo.“ Sabi ni Leon habang magkahawak kamay kami na papasok sa bakuran namin. Pinalo ko lang ito sa braso dahilan para matawa na lang ito. “Hindi ko maiwasan ano ka ba.“ Sabi ko na lang dito at nang bumukas ang pinto ay si nanay ang sumalubong sa amin. Pumasok na kami ni Leon at pinaupo na kami agad ni nanay, habang si tatay ay nakatingin kay Leon. Agad itong bumati kay tatay at nanay na tinanguan lang ng mga ito. Nag-usap ang mga ito at nagpakilala na ng maayos si Leon sa mga magulang ko. Alam na nito kung ano ang

