Apat na araw na mula nang umalis si Leon, tumatawag naman ito pero miss ko pa rin ito. Sa trabaho ko naman ay madalas akong pag-initan ng ilan sa ka-trabaho ko pero hindi ko pinapansin ang mga ito. Nag-focus lang ako sa trabaho ko at minsan ay magkasama kami na kumakain ni Ria na naging kaibigan ko na. Masaya itong kasama at kausap at marami itong kwento sa akin na madalas namin na bonding. Taga-Palawan raw ito at may anak sa pagka-dalaga at ang nag-aalaga sa anak nito ay ang mga magulang nito. “Hayaan mo lang ang mga iyon Angie, intern lang sila at sigurado ako na hindi sila magiging regular dahil sa ugali nila.“ Sabi nito nang i-kwento ko dito ang tungkol sa ka-trabaho ko. “Magkakaroon talaga ako ng disiplina sa sarili ko dahil sa kanila.“ Nasabi ko na lang habang kumakain kami dit

