Agad kong kinuha ang kutsara at tinidor at nagsimula na akong kumain. Tatlong kutsara agad ang magkasunod na sinubo ko at ininom ko ang gatas na kasama rin nito kahit nanginginig ang kamay ko sa kaba. Narinig ko agad ang boses ni Tiara kaya napahinga ako ng maluwag. "Dad why are you here?" Narinig ko na gulat na tanong ni Tiara kaya napatingin ako sa kanya. "Where did you go last night Tiara?" Seryoso na tanong ni Leon sa anak para siguro hindi mapunta ang usapan sa kanya. "I'm with my new found friends here." Kinakabahan na sagot ni Tiara sa ama at napatingin siya sa akin at humingi ng sorry. "Sa susunod magpaalam ka para hindi nag-aalala ang kaibigan mo, pumunta ako dito para sana tanungin ka pero hindi ka pala umuwi and i bring food too." Seryoso pa rin na turan ni Leon kaya medyo

