Chapter three

1561 Words
Nagmadali si Tiara sa pagda-drive kaya pinadahan-dahan ko naman ito dahil baka kami ay maaksidente. “Bakit hindi ka nagulat?“ Tanong nito mayamaya kaya napatingin ako dito at napayuko, nakita ko na magkaiba pala ang tsinelas na nasuot ko. Dahil sa pagmamadali ko kaya napahinga na lang ako ng maluwag. “Nalaman ko ang tungkol sa kanya kaninang umaga lang.“ Sagot ko sa kanya kaya napamura lang ito ng mahina kaya napatingin ako sa kanya. “Alam mo rin ba ang sitwasyon niya?“ Tanong ko kaya tumango na lang siya at sabay kaming napabuntong hininga. “One month ago remember nong nag-away kami dahil lang sa isang pirasong tinapay.“ Sabi niya mayamaya kaya napatango ako, oo nga pala naalala ko yong araw na iyon nagkasakitan pa sila dahil lang sa isang tinapay na may mas mabigat pa pala na dahilan. “Kinompronta ko siya nong gabi na iyon at nagkasagutan kami, nalaman ko kasi yong ginagawa niya dahil nakita ko sila nong lalake sa isang bar na halos mag-s*x na sa isang sulok.“ Sabi niya kaya napahinga na lang ako ng malalim. “Bakit hindi mo sinabi sa akin di sana napigilan o di kaya ay naprotektahan pa natin siya.“ Sabi ko kaya napatawa ito ng mahina. “Baka ikaw rin inaway niya.“ Sabi na lang nito kaya napatingin na lang ako sa bintana. “Pero atlist sana naprotektahan natin siya.“ Bulong ko pa rin kaya tinapik ako nito sa balikat dahilan para mapatingin ako dito. “Huwag ka na ngang mag-isip pa ng ganyan ang mahalaga ay nasa tabi ni Erika okay.“ Sabi nito kaya tumango na lang ako at napahinga ng maluwag. Nang makarating kami sa hospital ay agad naming hinanap ang room ni Erika. At pagkapasok namin sa kwarto nito ay nakita ko si Erika na puno ng pasa at sugat sa mukha at katawan halata rin ang pamumutla ng mukha nito habang natutulog. “Erika…” Bulong ko na napaiyak na lang at saka ako napaupo sa harap nito saka ko kinuha ang kamay nito. Nanlumo ako dahil sa nakita kong kalagayan ng kaibigan ko kaya hindi ko maiwasan na hindi umiyak dahil sa nararamdaman kong awa para kay Erika. "s**t! bakit naman ganito Erika anong ginawa nila sayo?" Narinig ko si Tiara na umiiyak na rin habang nakatingin sa kaibigan namin. Pareho kaming hindi umalis sa tabi ni Erika habang tulog. “Kayo ba ang kamag-anak ng pasyente?“ Tanong ng doktor na pumasok kaya hinawakan ni Tiara ang kamay ko ng mahigpit. “Kami nga po doktora kumusta po si Erika?“ Tanong agad ni Tiara kaya lihim akong napangiti. “The patient is stable now, pero nawala ang batang pinagbubuntis niya dinugo siya kanina kaya ikinalulungkot ko ang nangyari sa kanya.“ Sabi ng doktor na pareho namin na ikinagulat ng kaibigan ko at tila ako nanlambot sa nalaman ko. Ito ang lalo naming ipinanlumo dahil nakunan ito, dalawang buwan na raw ang nasa sinapupunan nito at maraming dugo ang nawala kay Erika. Buti na lang at may available silang dugo kaya nakaligtas ang kaibigan ko. Wala na siya sa tiyak na kapahamakan pero kailangan pa rin niya ng obserbasyon ng doktor at para makapagpahinga na rin ito. At may iba pa na nakita at personal raw ito kaya pareho kaming nagtaka kanina at ang sabi ng doktor ay nakita nito ang mga lumang pasa sa katawan ni Erika, it was like a whip dahil nag-iwan ito ng pasa mostly ay sa likod. May mga hiwa rin ito sa hita at mga lumang pasa pa sa nakatagong parte ng katawan nito kaya lalo akong nag-alala. After all this time ay may ganito nang nangyayari sa kaibigan namin na kung bakit hindi ko man lang napansin. Erika is happy go lucky and our sunshine everyday, pero sa likod pala nito ay isang nahihirapan na Erika. “I will kill that man for hurting Erika!“ Gigil na turan ni Tiara kaya napatingin ako dito at napayuko na lang habang nagpupunas ng luha. “Hindi ako makapaniwala Tiara na nagkakaganito na pala siya.“ Bulong ko at muling bumalong ang luha sa mga mata ko. “Sinasadista pa pala siya ng lalakeng hayop na iyon! Makikita nito ang hinanap nito.“ Galit na turan ni Tiara kaya hinawakan ko na lang ang kamay niya at pinakalma ito. Kinabukasan ay nagising si Erika na parang walang nangyari dahil nakangiti lang ito at labis na nagpasalamat sa amin dahil binantayan namin ito. “Ano ba kayo kailangan kong ituloy ang buhay ko kaya huwag na kayong umiyak diyan.“ Nakangiti nitong turan sa amin ni Tiara pareho na lang namin itong niyakap ng mahigpit. “Basta lagi kaming nandito ni Angelina okay kaya mula ngayon lahat ng gusto mo ay ibibigay namin sayo.“ Sabi ni Tiara kaya napatango ito at lalo namin itong niyakap ng mas mahigpit pa. Pero hindi ako naniniwala na okay na si Erika ayaw na rin niyang pag-usapan ang pagkawala ng anak niya. Hinayaan namin siya ni Tiara. Kailangan niya ng kaibigan at pamilya sa mga oras na ito kaya hindi na namin pa pinaalala sa kanya ang nangyari. Nang makauwi kami ay sinalubong kami nina tiya at ng mga ka-board mate namin. Wala silang sinabi at naunawaan agad nila ang sitwasyon, wala sa mukha ng mga ito ang panghuhusga kaya nagpapasalamat ako dahil nagkaroon kami ng mga kasama na may pangunawa. Pero akala ko ay magiging maayos na ang lahat kahit pa nawala na ang isyu tungkol sa kumalat na video ay hindi pa rin ako mapakali. Kinausap lang kami ng dean ng university ni Erika na magpahinga muna ito at saka na namin pag-uusapan ang nangyari. Maayos na si Erika at nakakatawa na rin siya at nakakabalik na sa dating siya, nalaman namin na mayamang tao talaga ang naka-relasyon niyang lalake dahil ito ang gumawa ng paraan para hindi na lumaki pa ang gulo. Pero galit pa rin kami sa taong iyon kaya wala kaming pakialam ni Tiara dito. Isang umaga ay kinatok ko si Erika sa kwarto niya para mag-agahan pero nakapagtataka na matagal niyang buksan ang pinto kaya sinubukan kong buksan ang kwarto niya at bukas naman pala sa pasasalamat ko. "Erika bangon na mag-agahan na tayo." Lumapit ako sa kama niya at akma ko siyang gigisingin ng may mapansin ako sa kanya dahil maputla ang mukha niya. "Erika?" Hinawakan ko siya pero napakalamig na niya kaya tuluyan na ako napaiyak ng malakas at niyakap ito ng mahigpit ang pulso niya ay puno ng dugo at maging ang kama niya. Sa nakalipas na sandali ay wala ako sa sarili ko at nakatulala lang dahil hindi ako makapaniwala na wala na ang kaibigan ko, tuluyan na siyang sumuko. Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak ng malakas kaya agad akong niyakap ni Tiya Mabel na nasa tabi ko. Nawalan ako ng pinakamatalik na kaibigan ang mga pangarap namin ay wala na, sumuko na siya nang tuluyan at sana tahimik na siya kung nasaan man siya sa mga oras na ito. Hindi ko maiwasan ang hindi magtanong sa sarili ko ito ba ang nagagawa ng maling desisyon dahil sa pag-ibig? Nagmahal lang naman ang kaibigan ko dahil akala niya ay dito niya matatagpuan ang pamilya na hinahanap niya pero naging biktima siya ng isang mabigat at maling desisyon. Naalala ko ang huling araw na nakausap ko siya may sinabi siya sa akin na tumatak sa isipan ko ito na pala ang huling araw na makikita ko siyang buhay. "Mangako ka sa akin Angie wag na wag kang gagawa ng isang pagkakamali na pagsisihan mo sa bandang huli." Marami kaming pinagkwentuhan pero ito ang pinakatumatak sa akin. Walang pumunta sa unang araw ng burol ni Erika kami-kami lang nina Tiara at Tiya Mabel at ang ilang kaklase ni Erika at professor niya at ang mga kasama namin sa boarding house. Hanggang sa huling araw ay wala masyado naghihintay sana kami kung may darating ba sa kamag-anak ni Erika pero walang dumating hanggang sa huling sandali niya dito ay walang dumating kaya nalungkot ako lalo. Inilagay ko ang basket ng bulaklak sa harap ng puntod ni Erika ngayong araw ay ang ika dalawang taon niyang death anniversary at ito ang huling taon ko sa college, hanggang ngayon nandito pa rin ang sakit at panghihinayang na nawala siya, pero masaya na ako dahil hindi na niya mararamdaman ang sakit at sana kasama na niya ang mga magulang niya. Maraming nangyari sa mga nakalipas na taon lalo kaming naging malapit sa isa't isa ni Tiara at nagkaroon na rin ng mga bagong boarder si Tiya Mabel. Masaya kami pero alam namin na hindi lubos dahil may isang tao na nawala sa buhay namin pero nagpapatuloy pa rin kami sa buhay. Palabas na sana ako sa gate ng sementeryo ng may kotse na papasok din at dahil hindi ko napansin ay bigla akong binusinahan ng kotse kaya nainis ako sa kung sino mang iyong driver na iyon. Ang lakas ng loob ang bilis ng patakbo tapos siya pa may ganang mang busina na masakit sa tenga. Nagpatuloy na lang ako sa paglakad at hindi na pinansin pa ang kotse. Uuwi na lang ako para mawala ang inis ko ngayong araw at baka nakapagluto na si Tiya Mabel dahil ngayon nga ay ang anibersaryo ng pagkamatay ng kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD