Sa buong durasyon ng byahe ay wala akong imik at naka-headphone lang ako. Nagdahilan ako kay Tiara na medyo hindi maganda ang pakiramdam ko at naintindihan naman niya ako. Nararamdaman ko na nakatingin ang ama ni Tiara sa akin at natatakot ako sa nararamdaman ko dahil hindi ako makapaniwala na siya ang lalakeng iyon. Sa dinami-dami ng lalake na pwede kong maka- one night stand ay bakit ito pa. Nakatulog ako nang hindi ko namalayan at paggising ko ay may humahaplos na sa pisngi ko. Nagulat ako ng nasa tabi ko na ang ama ni Tiara napausog ako bigla ng akma niya ulit na hahawakan ang pisngi ko. "Bakit po?" Tanong ko na lang dahil sa pagkabigla. "Hindi mo ba ako natatandaan?" Tanong niya kaya kinabahan ako. "You are the woman whom i own that night." Sabi niya kaya lalo akong kinabahan.

