Break Na Ba Tayo? Chapter 35 _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ "Tangin* tol anong ginagawa ninyo dito? Ang lamig-lamig dito ah." sabi ni Brantley. Nakaupo sila sa isang upuan na gawa sa semento. Pinagigitnaan nila si Brenon. "Inaya ko si Brenon, na maglakad-lakad at nakapunta kami dito sa garden area ng White House. Dito na muna tayo. Bihira lang naman tayong magkakasamang tatlo." ngiting sabi ni Braylon. Malamig kung malamig pero ang sarap lang sa pakiramdam na magkakasama silang tatlo ngayon. "Tama si Braylon. Dito na muna tayo. Bat hindi natin hintayin ang pagsikat ng araw." ngiting tanong ni Brenon. Nakatingin siya sa kanan kung saan nakaupo sa kanyang tabi si Braylon. At tumingin naman siya sa kaliwa kung saan katabi niya si Brantley. Lihim siyang nagpapasalama

