Break 4

3108 Words
Break Na Ba Tayo? Chapter 4 "Nandito na tayo sa tapat ng bahay nila Penelope, tawagan mo na 'yang si Braylon, para makaalis na tayo." seryosong sabi ni Treyton, nakita niyang kinuha ni Sandro, ang cellphone nito sa may bulsa at dinadial nito ang number ni Braylon.  "Nakapatay yata ang cellphone niya? Out of coverage area ito." sabi ni Sandro, napatingin siya kay Treyton, na busangot na ang guwapong mukha nito.  "Mabuti pa pumasok na lang tayo sa loob. Masyado naman pa importante 'yan!" inis na sabi ni Treyton, naalala niya ng makausap niya si Braylon. Hindi niya maintindihan ang pinupunto nito. Ang Floz na sinasabi nito? Sila lang daw ang nakakaalam sa Forest Lake of Zeus? Bakit daw alam ni Sandro, ang Floz? Pati rin siya ay hindi niya alam kung bakit alam ni Sandro, ang Floz?  "Mabuti pa nga para agad na tayo makaalis." sabi ni Sandro, alam niyang umiinit na naman ang ulo ng kanyang especial na kaibigan. Hindi naman niya pinagkakaila na may nangyayari sa kanilang dalawa ni Treyton. Wala lang silang label na nilalagay sa relasyon nilang dalawa. Nagdoor bell na siya sa labas ng gate nila Penelope, at hindi nga nagtagal ay pinagbuksan siya ng isa sa mga kasambahay nila Penelope.  "Tanong ko lang kung nandyan po ba sila Penelope at Braylon?" magalang na tanong ni Sandro, sa isang matandang kasambahay nila Penelope.  "Kayo po ba 'yung wedding planner nila Mam Penelope?"  "Opo kami nga po." ngiting sagot ni Sandro.  "Kanina pa po kayo hinihintay nila Mam Penelope at Sir Braylon. Tuloy po kayo."  "Sige po salamat." ngiting sabi ni Sandro, bumalik ulit sila sa kotse ni Treyton, at hinintay na muna nila magbukas ang malaking gate sa bahay nila Penelope. "Bakit pa tayo papasok? Hindi ba puwede patawag mo na lang si Braylon?" inis na sabi ni Treyton, naiinis na siya kay Braylon, masyado itong pa vip. "Tsk! Trey, paalala lang hindi kita pinilit na sumama dito. Ikaw ang nagpumilit. Kaya please wag mainit ang ulo. Tsaka client natin si Braylon." paalala ni Sandro, hinawakan pa niya ang kamay ni Treyton, para wag na itong uminit ang ulo. Nakita na nilang bumukas ang malaking gate at ipinasok na nila ang kotse.  "Alam kong client natin si Braylon, pero masyado naman itong demanding. Hindi man lang sumasagot sa tawag mo. At nagpasundo pa talaga siya dito sa Plamares Subdivision." inis na sabi ni Treyton, lumabas na sila sa kotse at sabay sila ni Sandro, na pumasok sa malaking bahay ni Penelope.  "Trey, please behave." pakiusap ni Sandro, isang matamis na ngiti ang lumitaw sa guwapong mukha niya. Sinalubong sila nila Braylon at Penelope.  "S-sandro, pasensya na kung nagpasundo pa talaga ako dito. Kinausap ko lang itong financeé ko." nahihiyang sabi ni Braylon, na papakamot na lang siya sa likod ng kanyang ulo habang nakangiting nakatingin siya kay Sandro. Masaya siya na muli na naman niya makakasama si Sandro. Napatingin siya kay Treyton, na seryosong nakatingin ito sa kanya.  "Pare Treyton, kamusta?" ngiting sabi ni Braylon, akala niya ay silang dalawa lang ni Sandro, ang aalis ngayon? Medyo nadismaya siya dahil mukhang kasama pa nila si Treyton.  "Ayos lang pare! Ano aalis na ba tayo?" seryosong sabi ni Treyton, medyo lumapit siya kay Sandro, para ipakita kay Braylon, na hindi nito basta-basta masosolo si Sandro. Gagawa siya ng paraan para masamahan niya ito sa lahat ng lakad nito. Nangangamba siya na baka may gawin na naman kagagvhan si Braylon, kay Sandro.  "Ayaw niyo muna bang mag miryenda na muna kayo? Bago kayo umalis?" ngiting sabi ni Penelope, nakalingkis ang kamay niya sa matipunonh braso ng kanyang fiancé.  "Naku, wag na Penelope, baka sa labas na lang kami kumain. Ikaw ayaw mo bang sumama sa amin?" ngiting sabi ni Sandro, hindi niya maiwasan na mapatingin sa kamay ni Penelope, na nakalingkis sa matipunong braso ni Braylon. Hindi nga lang niya maintindihan kung bakit siya nakaramdam ng kirot sa kanyang puso. Pero agad niya iyon binalewala dahil wala naman dahilan para maramdaman niya iyon.  "Kahit gustuhin ko man sumama sa inyo ay hindi maari dahil nilalakad ko pa ang pagbubukas ng book store namin sa Chavez Mall." kailangan ni Penelope, na samahan ang kanyang kaibigan na si Avery, sa Chavez Company para makausap ng personal ang tatlong Chavez Brothers. Nakausap na nila ang secretary ng mga ito. Pero gusto nilang makasigurado na makakarating talaga sila Rayfield, Rayburn at Rayford Chavez, sa mismong ribbon cutting ng Mahiwaga Bookstore. Para sa opening pa lang ay makakuha na sila ng pansin sa mga tao sa bayan ng Prado. Malalakas kasi ang hakot ng tatlong Chavez Brothers sa mga tao. Kaya umaasa sila na maraming bibili at mapapansin ng mga tao ang Mahiwagang Bookstore.  "Paano babe una na kami." isang matamis na halik sa labi ang binigay ni Braylon, sa kanyang fianceé. Ipinakita talaga niya kay Sandro, kung paano niya hinahalikan si Penelope. Hindi nga niya alam kung bakit kailangan niyang ipakita kay Penelope, ang paghalik niya sa magandang dilag na nasa harapan niya.  "Babe, nakakahiya kina Sandro at Treyton." aaminin ni Penelope, na kinikilig siya sa paghalik ni Braylon, sa kanya.  "Ang sweet mo naman pare! Sige na alis na tayo baka hindi tayo makaalis kapag hindi mo tinigil yang ginagawa mo." ngising sabi ni Treyton. Hinawakan niya ang kamay ni Sandro, para makuha niya ang pansin nito. Dahil kanina pa niya pasimpleng nakatingin kay Sandro. Titig na titig ito kay Braylon, kung paano nito halikan si Penelope.  "Tama si Trey, tara na Braylon. Paano una na kami Penelope." ngiting sabi ni Sandro, tumalikod na siya at magkahawak kamay sila ni Treyton, na lumabas sa bahay ni Penelope. Nakasundo naman sa kanila si Braylon. Sumakay siya sa passenger seat. Samantalang si Braylon, ay umupo ito sa backseat.  "Matanong ko lang saan pala tayo maghahanap ng barong na isusuot ko?" usisa ni Braylon, plano sana niyang hiramin na lang ang barong ng kanyang ama na si Franco Hernandez. Isang beses lang naman niya ito isusuot. Nanghihinayang kasi siya sa perang gagastusin niya para sa isang barong. Maganda at nasa maayos na kondisyon ang barong ng kanyang ama.  "Sa TerriBerri Boutique, isa ito sa kilalang boutique sa bayan ng Prado." ngiting sabi ni Sandro, tumingin siya sa rear view mirror at nakita niya ang pagkagulat sa guwapong mukha ni Braylon.  "Ah?! B-bat doon pa? Tsaka sino ba nagsabi sa inyo na doon tayo pupunta?" takang tanong ni Braylon, wala naman siyang sinabi na magpapasukat siya ng barong? Sinabihan lang siya ni Penelope, na kailangan niyang magpasukat ng barong na isusuot niya sa kasal nila. Hindi niya akalain na sa TerriBerri Boutique siya magpapasulat ng barong. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na sikat ma sikat ang TerriBerri Boutique sa bayan ng Prado pati na rin sa karatid bayan ng Prado.  "Si Congressman Rafael Sanchez, ang nagsabi na sagot niya ang isusuot mong barong. Hindi ko iyon sinabi sa'yo dahil kinausap ako ni Congressman Rafael Sanchez, na sagot nito ang barong naisusuot mo sa kasal. Wag ko na raw muna sabihin sa'yo." ngiting sabi ni Sandro, kinausap nga siya ni Congressman Rafael. Nagkita sila sa Rald's Box Café. Akala niya kung ano ang pag-uusapan nilang dalawa? Nabigla nga siya dahil alam ni Congressman Rafael, ang number niya.  _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _  "Naistorbo ba kita Sandro?" ngiting sabi ni Rafael, nandito sila sa Rald's Box Café. Para makausap niya Sandro Fedellga. Ang nakuhang wedding planner nila Penelope at Braylon.  "Hindi naman po Congressman Rafael Sanchez. Paano niyo po pala nakuha ang cellphone number ko?" takang tanong ni Sandro, nagulat at nagtaka siya ng marinig niya ang cellphone niya kaninang umaga. Nagtaka siya dahil number at hindi nakaregister sa kanyang phone book ang cellphone number na tumatawag sa kanya. Kahit nagdadalawang isip siya ay sinagot niya ito at napag-alaman niya na si Congressman Rafael Sanchez, ang tumatawag sa kanya.  "Kinuha ko sa aking unica hija na si Penelope, ang cellphone number mo. Salamat na dumating ka ngayon Sandro." ginagamit ni Rafael, ang ngiting nagpapanalo sa kanya tuwing election. Gusto lang niya makausap si Sandro, sa isang simpleng bagay tungkol sa kasal ng kanyang nag-iisang anak na si Penelope.  "Walang anuman po Congressman Rafael. Ano po pala ang gusto ninyo pag-usapan?" ngiting sabi ni Sandro, sobra talaga siya nagtataka na gusto siyang kausapin ni Congressman Rafael.  "Tungkol sa kasal ng aking anak na si Penelope. Gusto ko sana na ako na ang sasagot sa isusuot ni Braylon, sa kasal nito. Gusto ko ay sa TerriBerri Boutique ito magpapasukat ng barong o amerikana na isusuot nito sa mismong kasal nito." ngiting sabi ni Rafael, naisip niyang sagutin ang isusuot ni Braylon, sa kasal nito sa kanyang anak na si Penelope.  Medyo nagulat na nagtaka si Sandro, sa sinabi ni Congressman Rafael Sanchez. Para lang doon ay kailangan pa siya nitong papuntahin dito sa Rald's Box Café.  "Ganun po ba sige po. Sasabihin ko po kay Braylon, na sagot ninyo na po ang isusuot niya sa kasal." sabi ni Sandro, kukunin sa na niya ang kanyang cellphone ng biglang magsalita si Congressman Rafael Sanchez.  "Wag mo na siyang tawagin. Gusto ko sa mismong araw na magpapasukat siya ay sabihin ninyo sa kanya na sagot ko ang isusuot nitonh damit sa kasal nito." hindi pa rin nawawala ang malapalad na ngiti ni Rafael, kukunin niya ang loob ni Braylon. Paniniwalain niya si Braylon, na magbago na siya. Susuportahan niya ito sa lahat ng kailangan pa nito sa kasal. Pero lahat ng ito ay labag sa kalooban niya. Umaasa siya na hindi matutuloy ang kasal ng kanyang anak na si Penelope at ang hamplas lupang fianeé nito.  "Kung yan po ang gusto ninyo Congressman Rafael." magalang na sabi ni Sandro, dumating na ang inorder nilang pagkain. Hindi niya alam kung ano pa ang pag-uusapan nila dalawang. Masyado na siyang naiilang sa tingin sa kanya ni Congressman Rafael.  "Balita ko ay naka-base ka sa ibang bansa. Buto naisipan mong bumalil dito sa Pilipinas?" usisa ni Rafael, na background check na niya ang guwapong binatang nasa harapan niya. At lahat-lahat ay alam na niya ang tungkol kay Sandro Fedellga. Ang pinagtratrabahuhan pala ni Braylon, ay pagmamay-ari ng tito ni Sandro. Hindi nga lang niya alam kung alam ba ni Sandro, iyon? May kaugnayan pala sila Sandro at Braylon. Dahil nalaman niya na ang puso ni Sandro, ay ang puso ng dating minahal ni Braylon. Masyadong komplikado ang nalaman niya. Pero natutuwa siya sa nalaman niya dahil gagamitin niya si Sandro, para mapalapit ito kay Braylon.  "Miss ko po ang Pilipinas, marami akong naiwan dito. Isa na po roon ang mga kaibigan ko. Iba pa rin po ang Pilipinas, kumpara sa mga ibang bansa." ngiting sabi ni Sandro, sinimulan na niyang kainin ang kanyang inorder na classic tuna carbonara.  "Saan ka ngayon nakatira? Hindi mo ba kasama ang mga magulang mo dito sa Pilipinas?" tanong ni Rafael, interesado siya sa buhay ni Sandro Fedellga. At ngayon ay sasamantalahin niya ang pagkakataon na ito para kunin ang loob nito. Kinuha niya ang isang tasa ng black coffee at uminom siya ng konti habang titig na titig siya kay Sandro. Nakita niyang napailing ito sa katanungan niya.  "Hindi ko po kasama. Dahil hindi sila maaring magtagal dito sa Pilipinas. May mga naiwan silang mga trabaho sa ibang bansa. Kasama ko naman po ang aking kaibigan na si Treyton Fontanilla, sa Chavez Tower." magalang na sagot ni Sandro, meron siyang biglang naisip na itanong kay Congressman Rafael. Ngunit nag-aalangan siya baka magalit ito.  "Oh?! Chavez Tower? Good choice, bagong tayo lang iyon at marami nga nakakuha roon na condo unit. Plano ko nga kumuha ng isang unit doon." ngiting sabi ni Rafael, sa totoo lang ay nakakuha na siya ng unit doon. At ibinigay niya iyon kay Amber.  "Congressman Rafael, may itatanong lang po sana ako. At sana ay way po kayo magalit." ngiting sabi ni Sandro, naglakas loob na siya sabihin iyon kay Congressman Rafael. Nakita niya ang congressman na napakunot noo ito habang nakatingin ito sa kanya.  "Parang seryoso yang itatanong mo sa akin Sandro." ngiting sabi ni Rafael, medyo kinabahan siya sa itatanong ni Sandro, sa kanya. Bigla na lang niyang naalala ang isang taong matagal na niyang hindi nakikita dahil matagal na itong patay.  "Isa po itong personal na katanungan. Hindi naman po lingid sa kaalaman natin na biglang kumalat ang isang s*x video. Ang nasa video na iyon ay ang mapapangasawa ng anak ninyo na si Braylon Hernandez. Tanong ko lang Congressman Rafael, buti ay pumayag pa kayo na ituloy ang kasal sa kabila ng malaking eskandalong kinasangkutan ni Braylon?" nilakasan talaga ni Sandro, ang loob niya upang itanonh kay Congressman Rafael, ang tanong na iyon. Naisip niyang nandito na rin naman siya bakit hindi pa niya lubusin ang pagkakataon para magtanong ng personal na mga tanong kay Congressman Rafael Sanchez.  "Personal nga ang katanungan mo sa akin Sandro. Una sa lahat ay alisin mo na ang pag po sa akin. Para kasing sobrang tanda ko na. Tanong ko sa'yo Sandro, mukha na ba ako matanda?" ngising tanong ni Rafael, kitang-kita niya ang pamumula ng guwapong mukha ni Sandro. Kaparehong-kapareho talaga nito ang kakilala niyang binata na matagal ngang patay.  "Sa edad ninyong 45 years old ay masasabi kong matikas pa rin ang pangangatawan ninyo Congressman Rafael. Parang hindi kayo tumatanda? Guwapo pa rin p-po kayo. Sigurado ako na maraming mga kababaihan ang humahanga sa inyo." ngiting sabi ni Sandro, bigla na lang uminit ang mukha niya dahil sa katanungan ni Congressman Rafael, sa kanya. Totoo ang sinabi niya, matipuno ang katawan at guwapong-guwapo pa rin ito. Wala sa itsura ang edad nito.  "Masyado naman nakakataba ng puso at ulo ang mga sinabi mo. Lalo na galing sa'yo. Anyway tungkol sa tanong mo sa akin ay muntikan na talagang hindi matuloy ang kasal ng anak ko. Ngunit nakita ko na mahal na mahal ng anak kong si Penelope, ang financé nitong si Braylon. Masasabi kong tao lang si Braylon, nagkakamali rin ito. Pero sinabihan ko siya na wag na wag na itong mauulit." seryosong sabi ni Rafael, titig na titig siya kay Sandro, na seryosong din nakatingin sa kanya.  "Congressman Rafael, nakatira sa Saba Compound si Braylon. Alam naman natin na iyon ang mahirap na lugar sa bayan ng Prado. At hindi lingid sa kaalaman nating dalawa na mahirap ang pamilya ni Braylon. Ano ang nakita mong katangian ni Braylon, para pumayag ka maging financé ni Penelope." seryosong tanong ni Sandro, alam niyang masyado na personal ang katanungan niya. Ngunit gusto niyang makita kung saan ang hangganan ni Congressman Rafael. Sikat ito sa bayan ng Prado. At ito ang nangungunang sa mga politiko sa bayan ng Prado. Masasabi niyang mapalad siya dahil naka one on one niya si Congressman Rafael Sanchez.  "Hindi ko alam na isa pala itong personal na interview. Hahaha! Anyway Sandro, hindi batayan ng estado ng buhay ang pagmamahalan ng dalawang tao. Sino ba naman ako para tutulan ang pagmamahalan nila Braylon at Penelope." ngiting sabi ni Rafael, sasagutin niya ang mga katanungan ni Sandro, sa kanya. Para makuha niya tuluyan ang loob nito. Nakita niyang napatango si Sandro, at mukhang nakumbinsi niya ito.  "Salamat sa pagsagot mo Congressman Rafael." ngiting sabi ni Sandro.  "Walang anuman Sandro. Sa totoo lang ay hindi ako sumasagot sa mga ganung klaseng katanungan. Alam kong public figure ako pero ayaw na ayaw kong pinag-uusapan ng mga tao ang pamilya ko." ngiting sabi ni Rafael.  "Sabi ko nga sa sarili ko na mapalad ako na inimbitahan mo ako sa isang dinner. Salamat Congressman Rafael." ngiting sabi ni Sandro.  _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _  Nabigla si Braylon, sa sinabi sa kanya ni Sandro. Hindi niya akalain na si Congressman Rafael, ang sasagot sa isusuot niya sa kasal niya? Wala naman kasi sinasabi sa kanya si Penelope. Isang pilit na ngiti ang lumitaw sa kanyang guwapong mukha. Mukhang nagbago nga ang ugali ng ama ng kanyang fianceé. Pero ayaw na muna niya pakisigurado dahil baka may binabalak lang ito?  "Anong masasabi mo Pareng Braylon, na si Congressman Rafael, ang sumagot sa isusuot mo sa kasal?" ngising sabi ni Treyton, noong nalaman niya iyon ay napailing na lang siya. Napakasuwerte talaga nitong gagong lalaki na nasa back seat ng kotse niya. Dahil suportado pa rin ito kahit na may ginawa itong kalokohan. Hindi lang basta isang simpleng kalokohan o kagaguhan ang ginawa nito. Kundi isang malaking eskandalo. Napapatanong nga siya sa kanyang sarili kung paano pa nito naihaharap sa mga tao ang pagmumukha nito pagkatapos kumalat ang s*x video nito. "H-hindi ko alam na si Congressman Rafael, ang sumagot sa isusuot ko sa kasal? Kailangan ko pala siya pasalamatan." isang pilit na ngiti ang naipakita ni Braylon. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya na ginawa iyon ni Congressman Rafael? "Dapat lang pare! Biruin mo natanggap ka pa ni Congressman Rafael, sa kabila ng kumalat mong s*x video." ngising sabi ni Treyton, nakatanggap agad siya ng mahinang suntok muna kay Sandro.  "Trey!" saway ni Sandro, hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ni Treyton. Napatingin siya sa likuran kung saan seryosong nakatingin si Braylon, kay Treyton.  "Wag mong masyadong seryosohin ang sinabi niya Braylon. Masyado lang pala biro si Treyton. Pagpasensyahan mo na siya." sabi ni Sandro, napatingin sa kanya si Braylon.  "Inaamin ko naman na ako talaga iyon na nasa s*x video. Nagkausap na kami ni Penelope, at maayos na ang lahat." ngiting sabi ni Braylon, kung wala lang talaga si Sandro. Baka nasuntok na niya si Treyton. Masyadong malaking eskandalo ang kumalat niyang s*x video. Hindi pa nga niya nakakausap si Rosel, tungkol doon. "Pare matanong ko lang. Wag ka sana magagalit. Bakit ka pala nakipagtalik o gumawa ng isang kasalanan? Kahit na may karelasyon ka? Lalo na anak ng isang congressman ang karelasyon mo." gusto ni Treyton, na pikunin si Braylon. Gusto niyang lumitaw ang tunay nitong ugali para na rin makita ni Sandro, kung sino ba talaga si Braylon.  "Trey, masyado na yata personal ang tanong mo sa client natin? Braylon, wag mo na sagutin iyon. Masyado lang malakas ang trip ngayon ni Treyton." nahihiya na si Sandro, kay Braylon. Masama siyang tumingin kay Treyton, na nakangisi habang nakatingin sa dinaan nila.  "Ok lang iyon Sandro. Tapos na iyon pare sinabi ko naman na ayos na kami ni Penelope at ang mga magulang nito." ayaw ni Braylon, na sabihin ang rason kung bakit siya nakagawa ng kasalanan kay Penelope. Tama nga naman si Sandro, masyadong personal ang tanong gag0ng Treyton. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD