Break Na Ba Tayo? Chapter 42 "Ilang beses ka ng sorry kay Sandro, babe?" ngiting sabi ni Braylon. Nag-dridrive siya pauwi sa bahay ni Penelope, sa Plamares Subdivision. Hindi sumabay sa kanila si Emil, dahil mapapalayo pa raw siya kung sasabay pa ito sa kanya. Sumabay ito sa kotse ni Warren. Hindi na niya ito pinilit na sumakay sa kotse niya dahil alam naman niyang ayaw siya nitong makita. "Hindi ko nga alam babe. Alam mo naman ako kapag may nagawa ako kasalanan ay hindi ako natatahimik hangga't hindi ako nakakahingi ng sorry sa taong iyon. Tulad na lang sa nangyari kaninang umaga. Hindi ko akalain talaga na hahabulin ni Sandro, iyong bola. Ayun natamaan tuloy siya." sabi ni Penelope. Napasandal siya sa upuan dahil inaantok na talaga siya. Kahit na nakatulog siya kanina ay iba pa rin

