Break Na Ba Tayo? Chapter 52 "Tama nga ang nababalitaan ko na ikaw ang mapapangasawa ni Penelope Sanchez." ngising sabi ni Walter. Kanina pa lihim na tinitignan ni Walter, sila Braylon, kasama ang isang guwapong lalaki. Meron kasing pinag-uutos sa kanya si Mam Patricia. Hindi na siya nagtanong kung bakit nito pinag-uutos na alisin ang hangin ng isang gulong ng kotse ng guwapong lalaking kasama nila ngayon ni Braylon. Napansin niya na nakahawak sa tagilirin si Braylon, na parang may iniindang sakit ito? "Kamusta ka na Kuya Walter? A-anong ginagawa mo dito?" pagtatakang tanong ni Braylon. Hindi niya inaasahan na makikita niya si Walter, dito sa bahay ng mga Sanchez. "Ako ang bagong body guard ni Mam Patricia Sanchez." sagot ni Walter. Tumingin siya sa guwapong lalaking na flat ang g

