Break Na Ba Tayo? Chapter 59 "Babe relax ka lang. Sigurado akong magiging matagumpay ang grand opening ninyo ng Hawiga Bookstore." ngiting sabi ni Braylon. Pinapalakas ni Braylon, ang loob ng kanyang fianceé. Dahil ngayon na ang araw ng grand opening ng bookstore nila Penelope at Avery. Nandito sila sa loob ng kotse niya at kararating lang nila sa parking lot ng Chavez Mall. "Hindi ko maiwasan na kabahan babe. Hindi nga ako nakatulog kagabi sa sobrang excited at kaba." ngiting sabi ni Penelope. Napahawak siya sa kamay ng kanyang fiancé. Pinaghandaan nila ni Avery, ang araw na ito. At sobrang nagpapasalamat siya na pupunta ang mga pamilya at kaibigan nila. Lalo na pupunta ang tatlong Chavez brothers na sila Rayburn, Rayfield at Rayford Chavez. Inaya na ni Braylon, na pumunta sa 2nd

