Break Na Ba Tayo? Chapter 23 "Braylon, ano nagustuhan mo ba ang Wakwak Beach Resort?" tanong ni Sandro. Kakatapos lang nila mag-lunch dito sa Wakwak Beach Resort. Masasabi niyang sobrang ng pagkain dito. Sobra nga siyang nabusog sa kinain niyang seafoods. "Maganda ang lugar na ito. Sa totoo lang tuwing pumupunta ako dito ay naaalala ko ang kapatid kong si Brantley. Mahilig itong mag-surfing dito sa Wakwak. Pero sa totoo lang ay gustong ikasal sa Lake Zeus Beach Resort." ngiting sabi ni Braylon. Habang nakatingin siya sa magandang view sa kanyang harapan. Kitang-kita niya ang asul na dagat. Nakakarelax talaga ang tunog ng dagat. Ang paghampas ng tubig sa lupa ay nakakarelax para sa kanya. "Babe hindi ko alam na nakapunta ka na dito sa Wakwak Beach Resort?" takang tanong ni Penelope. W

