Break Na Ba Tayo? Chapter 47 _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ "Excuse me Congressman Rafael Sanchez. I'm Brantley Hernandez." ngiting sabi ni Brantley. Napatingin si Congressman Rafael, sa guwapong binatang nakatayo sa kanyang harapan. Nandito siya ngayon sa isang sikat na café sa bayan ng Prado. Hinihintay lang niya ang kanyang inorder na kape. Nabigla na lang siya dahil may tumawag sa kanyang pangalan. At heto nga nasa harapan niya ang isang guwapong lalaking na naka-school uniform. "Kilala mo ako?" takang tanong ni Congressman Rafael. Seryoso siyang nakatingin sa guwapong binatang nagpakilalang Brantley Hernandez. "Sino bang hindi makakakilala sa isang sikat, g

