Break Na Ba Tayo? Chapter 62 "Gurl, ayos ka lang ba? Parang lutang ka ngayon?" kunot noo tanong ni Avery. Kanina pa niya napapansin ang kanyang kaibigan na wala sa sarili nito. Para bang may iniisip ito? "Ah? O-oo naman gurl. Nasaan na pala na pala sila Mr. Rayburn at dalawa niyang kapatid?" ngiting sabi Penelope. Lutang na lutang talaga si Penelope, ngayon dahil nandito si Rhaegar. Ngayon ay nakatingin siya sa matipunong lalaking nakikipagusap sa mga artsitang babaeng inimbita ng kanyang mommy. Naramdaman na lang niyang siniko siya ni Avery, kaya nakakunot noo napatingin siya sa kanyang kaibigan. "Bakit mo ba laging tinitignan si Rhaegar?" kunot noo sabi ni Avery. Kanina pa rin niya napapansin ang madalas na pagtingin ng kanyang kaibigan kay Rhaegar. Hindi inaasahan ni Avery, na

