Break Na Ba Tayo?
Chapter 16
"Penelope and Emil, punta lang ako sa kuwarto ko. Mamaya ay bababa rin ako. Kailangan ko lang ng maligo. Kanina pa naglalagkit ang katawan ko." maarteng sabi ni Patricia, kailangan na kailangan niyang maglinis ng kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay madumi siya. Pakiramdam niya ay may laway pa siya ni Watson, sa mukha. Bigla niyang naalala ang nakita niya kanina. Tama nga ang nakita niya kanina. Si Rafael, ang kanyang nakita kanina na may kasamang babae. Sabi kasi ni Penelope, kanina ay nasa Chavez Tower ang daddy nito. Nagmamadali raw ito ngunit hindi na siya nagsalita pa. Nanahimik na lanb siya baka mag-away pa ang kanyang anak at ang kanyang asawa. Mamaya na lang niya kakausapin si Rafael.
"Sige mommy baba ka agad dahil mamaya-maya lang ay papunta na si Braylon, dito. Gusto ko ay sabay-sabay tayo magdinner." ngiting sabi ni Penelope, sa wakas ay nakarating na sila sa bahay. Medyo natraffic sila pauwi. Tumingin siya kay Emil, na abalang nakatingin sa cellphone nito.
"Couz abalang-abala ka sa cellphone mo ah? Sino na naman bang babae 'yan?" tuksong sabi ni Penelope, pasimple niyang tinignan ang cellphone ni Emil, akala niya ay may kapalitan itong mensahe. 'Yun pala ay naglalaro lang pala ito ng games sa cellphone nito.
"Couz wag kang gumawa ng kuwento. Naglalaro lang ako. Tsaka bat ang tagal ng boyfriend mo? Hindi niya ba alam ang oras? T-teka 'di ba sinabi mo magcocommute lang ito? Sigurado akong mahihirapan ito. Alam mo naman sa Plamares Subdivision hindi sila basta-basta nagpapasok ng grab o taxi sa loob." ngising sabi ni Emil, pinatay na muna niya ang kanyang nilalaro. At tumingin siya sa kanyang pinsan na si Penelope, nakakunot noo itong nakatingin sa kanya. Nagulat siya kanina sa sasakyan dahil nabanggit ni Penelope, na Braylon, ang pangalan ng boyfriend / fiancé nito. Ngunit agad din niyang naisip na baka kapangalan lang ni Braylon, na kilala niya ang Braylon, na fiancé ng pinsan niya. Impossible naman na si Braylon, na kakilala niya ang maging fiancé ni Penelope, dahil alam niya na mahal na mahal nito si Brenon, kahit na nawala na ito sa mundo.
"Correction couz fiancé hindi boyfriend. Kanina ko pa nga siya tinatawagan ay hindi ito sumasagot. Medyo nag-aalala lang ako sa kanya." sabi ni Penelope, hindi nga sumasagot sa kanyang tawag o text si Braylon. Tinawagan niya si Sandro, ang event planner nila. Inimbita niya ito nguniy hindi ito available dahil may nilalakad daw ito na importante. Sinabihan siya nito na bukas ay aalis pala sila maghahanap sila ng beach para sa beach wedding location nila.
"Oo na ikaw na may fiancé. Gutom na ako. Ano bang pinaluto mo? Hindi nga ako kumain kanina because I'm expecting na maraming pagkain ngayon." usisa ni Emil, umupo na muna siya sa may wing chair. Buti na lang talaga ay nagyayang magdinner si Penelope, ngayon. Dahil buong araw lang siyang nakahiga sa kanyang kama dahil wala naman siyang ginagawa. Wala siyang pinagkakaabalahan. Naalala niya noong napadpad siya sa Saba Compound. Wala naman talaga siyang pinuntahan doon. Nagroad trip lang siya at hindi nga niya nalamayan na nasa dulo na siya ng Saba Compound. Naglakad-lakad siya kahit na alam niya na delikado. Sa paglalakad niya ay biglang may sumitsit sa kanyang isang guwapong lalaki. Alam niyang isa itong bayaran na lalaki. Lumapit siya dito at walang anu-ano ay naghalikan silang dalawa. Hanggang doon lang iyon. Binigyan na lang niya ng isang libong piso ang lalaki. Sinabihan niya ito na wala siya sa mood na makipagsex. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang makita niya si Braylon. Nagulat at hindi niya inaasahan na makikita niya ang isang lalaking lubos niyang minahal ngunit sa huli ay sinaktan lang siya nito.
"Marami akong pinaluto. Tsaka umorder din ako ng cakes sa Rald's Box Café. Hindi ko lang alam kung nadeliver na ito dito?" sabi ni Penelope, umupo siya sa isang wing chair katabi ng kanyang pinsan. Namiss niya talaga ang pinsan niyang si Emil. Sobrang tagal talaga nilang 'di nagkita.
"You know what couz kala ko si Rhaegar, ang makakatuluyan mo. 'Di ba patay na patay ka sa kanya." ngising sabi ni Emil, naikukuwento kanya ng kanyang pinsan ang lovelife nito minsan. At naikuwento nga nito ang nangyari sa love story nito kay Rhaegar.
"Couz alam mo naman na masakit ang ginawa nito sa akin. Actually kasama ko lang siya kahapon at kanina lang ay bumisita ito dito. Ngunit wrong timing nga ito dahil nagpasukat ako ng wedding gown kanina at sinundo ka namin ni mommy." sabi ni Penelope, wala naman siyang nililihim sa kanyang pinsan.
"Ah? Nagkasama kayo kahapon at kanina ay pumunta siya dito? Really? Ok na kayo?" usisa ni Emil, sa pagkakaalam niya ay umalis nga si Rhaegar, ng ibang bansa at si Penelope, naman ay ganun din ang ginawa. Para raw makapagmove on ito. Nagtataka lang siya kung bakit magkasama sila Rhaegar at si Penelope?
"Closure… Humingi ng tawad si Rhaegar, sa ginawa sa akin. Pinatawad ko naman siya kaso sinabi ko sa kanya na hindi ko nakakalimutan ang ginawa nito sa akin. Tsaka bat ba ako ang topic? Ikaw kamusta naman ang lovelife mo?" tuksong sabi ni Penelope, masyadong malihim ang kanyang pinsan. Hindi nga ito nagkukuwento sa kanya tungkol sa love life nito.
"As of now wala naman dahil wala naman ako love life. Ang sarap kaya maging single." ngising sabi ni Emil, sobrang nagulat talaga siya ng malaman niya ikakasal na ang kanyang pinsan na si Penelope, biniro nga niya baka buntis ito. Ngunit sinabi naman nito sa kanya na mahal na mahal talaga nito ang fiancé nito. Noong inalok daw ito ng kasal ay hindi na ito nagdalawang isip na pumayag. Naagaw ang pansin nila sa pagdating ng isang lalaking buong gabi niyang iniisip. Hindi siya makapaniwala na si Braylon Hernandez, pala ang fiancé ng kanyang pinsan.
"Babe! Kamusta! Bat hindi ka man lang sumasagot sa tawag o text ko. Pinag-aalala mo ako." nakangiting tumayo si Penelope, para salubungin ang kanyang fiancé na si Braylon. Isang mahigpit na yakap ang binigay niya dito. Namiss niya ito hindi na talaga siya makapaghintay na magkasama silang dalawa sa iisang bubong.
"B-babe…" nakakunot noo nakatingin si Braylon, sa lalaking nakaupo sa isang wing chair sa sala ng bahay ni Penelope. Gulat at pagtataka ang nararamdaman niya ngayon. Napapatanong siya kung bakit nandito sa loob ng bahay ng mga Sanchez si Emil?
"Babe parang nakakita ka ng multo sa itsura mo ngayo? Hahaha! Si Emil, 'yan. Pinsan ko siya sa mother side. Kakauwi lang niya galing sa Thailand." masayang sabi ni Penelope, inilingkis niya ang kamay niya sa matipunong braso ng kanyang fiancé na si Braylon. Tumingin siya sa kanyang pinsan na nakangiting nakatingin sa kanila.
"Emil, si Braylon Hernandez, ang fiancé and soon to be my future husband. Braylon, si Emil, ang pinakapaborito kong pinsan. I know hindi ko naikukuwento sa'yo si Emil. Nagulat din kami bigla lang itong nagpakita. Ang tagal kaya sa ibang bansa yan." masayang sabi ni Penelope, nakita niya si Emil, na iniabot nito ang kamay nito kay Braylon. Alam niyang makikipahhand shake ito sa fiancé niya.
Nakatulala lang si Braylon, na nakatingin kay Emil. Napapamura na lang siya dahil hindi niya akalain na makikita niyang muli si Emil. Lalo ng hindi niya inaasahan na makikita niya ito dito mismo sa loob ng pamamahay ng mga Sanchez. Nakangiti si Emil, na nakatingin sa kanya. Hindi niya inaasahan na magpinsan pala sila Emil at si Penelope.
"Babe, nakikipaghand shake ang pinsan ko." mahinang sabi ni Penelope, hindi pa kasi inaabot ni Braylon, ang kamay ng kanyang pinsan na si Emil.
"B-braylon, pare…" isang pilit na ngiti ang lumitaw sa guwapong mukha ni Braylon, ginawa niya ang lahat para wag manginig ang kanyang kamay. Inabot niya ang kamay ni Emil, at nakipaghand shake siya sa guwapong lalaking nasa harapan niya. Ibang-iba na si Emil, sa dating Emil, na kilala niya. Lalo itong naging guwapo at nagkalaman-laman na ang katawan nito. Kumpara dati na mapayat lang ito noon.
"Nice to meet and see you Mr. Braylon Hernandez. Ikaw pala ang napamasuwerteng lalaki sa balat ng lupa dahil ikaw ang mapapangasawa ng pinsan kong si Penelope." ngising sabi ni Emil, agad din niya inalis ang kamay niya sa pagkakahand shake ni Braylon. Ayaw niyang ipakita na nagulat siya sa kaharap niyang makisig na lalaki. Gusto niyang maging casual sa harapan ni Braylon. Ayaw niyang ipakita na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya ito kahit na sinaktan siya noon.
"M-masyado pa lang bolero ang pinsan mo babe." natatawang sabi ni Braylon, kailangan ay wag mahalata ni Penelope, na magkakilala silang dalawa ni Emil.
"Ganyan talaga si Emil, tatahimik-tahimik lang pero pala biro ang pinsan kong iyan." ngiting sabi ni Penelope.
"Couz bat 'di tignan kung ok na ang pagkain para makakain na tayo. Dito na muna kami ng fiancé mo. Konting interogation na muna kay Pareng Braylon." ngising sabi ni Emil, nakatingin siya sa makisig na lalaking nasa harapan niya. Gusto lang niya itong kausapin si Braylon.
"Ok sige ikaw na muna bahala kay Braylon. Tignan ko muna sila Rose, kung ok na ang pagkain." ngiting sabi ni Penelope, isang masuyong halik ang binigay niya kay Braylon, bago siya pumunta sa kusina ng bahay nila.
Naiwan sa sala sila Braylon at Emil. Magkaharapan silang dalawa at walang gustong magsalita. Nakatingin lang sila sa isa't-isa na parang nag-uusap at nagtatanungan sila sa kanilang mga mata.
"Upo muna tayo Braylon, nagmumukha na kasi tayong tanga." ngiting sabi ni Emil, umuponsiya ulit sa wing chair na inuupuan niya kanina. Samantalang si Braylon, naman ay umupo ito sa mahabang sofa na malapit sa kanya.
"H-hindi ko alam na kamag-anak mo pala ang mga Sanchez? At pinsan mo si Penelope." seryosong sabi ni Braylon, titig na titig siya kay Emil, na para bang hindi ito nagulat na siya ang fiancé ng pinsan nito.
"Believe it or not pinsan ko ang mapapangasawa mo." ngiting sabi ni Emil, gusto niyang kausapin si Braylon, tungkol sa ginawa nitong pananakit sa kanya. Ngunit hindi ito ang tamang oras at panahon para dito. Sobrang sakit lang kasi ng ginawa nito sa kanya.
"Hindi kita nakamusta noong magkita tayo sa Saba Compound. Ngayon nagkita tayo gusto ko kitang kamustahin. Kamusta ka na Emil?" seryoso pa rin na sabi ni Braylon, alam niyang hindi ito ang tamang panahon para kamustahim si Emil. Gusto niyang kausapin ng masinsinan ang guwapong lalaking nasa harapan niya.
"Maayos naman ako." tipid na sabi ni Emil, tumayo siya sa pagkakaupo at sinabing magbabanyo lang siya. Dahil baka bumagsak na ang kanyang mga luha. Ayaw niyang lumuha sa harapan ni Braylon. Sa pagpasok niya sa banyo ay pigil ang iyak niya dahil baka may makarinig sa kanya. Naiinis siya sa kanyang sarili kung bakit hanggang ngayon ay iniiyakan niya ang isang lalaking nanakit sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Sinigurado niya muna na maayos siyang lalabas ng banyo. Baka kasi may makapansin sa kanya. Naghilamos na muna siya ng kanyang mukha at pinunasan niya ang guwapong mukha niya sa kanyang panyo. Isang hiningang malalim ang ginawa niya at lumabas na siya ng pintuan. Pagkalabas niya ay nagulat pa siya dahil nasa harapan niya ang makisig na lalaking si Braylon.
"Emil…" hindi natuloy ni Braylon, ang sasabihin niya sa guwapong lalaking nasa harapan niya dahil bigla itong nagsalita.
"Hindi ito ang tamang oras at panahon para pag-usapan natin ang dapat na pag-usapan tungkol sa ating dalawa." ngiting sabi ni Emil, inunahan na niya si Braylon. Baka kasi may makakita o makarinig sa kanila. Naglakad na siya papunta sa kusina at nakita niyang tinutulungan ni Penelope, ang mga kasambahay nito na maglabas ng pagkain.
"Cous tulungan na kita dyan." ngiting sabi ni Emil, naisip niyang napakasuwerte naman ng kanyang pinsan. Dahil ang bukod tanging lalaking minahal niya ay ikakasal na sa kanyang paborito niyang pinsan. Hindi niya alam kung magiging masaya ba siya dahil ikakasal na ang kanyang pinsan. Malungkot at masakit sa kanya dahil ang mapapangasawa ng kanyang pinsan ay ang lalaking hanggang ngayon ay iniiyakan pa rin niya.
"Naku couz wag na. Tapos na rin kami. Kaya punta ka na sa dining area at pakitawag na lang si Braylon, sa sala. Salamat." masayang sabi ni Penelope, natuwa siya kaninang pagpasok niya sa kusina nakita niyang dumating na pala ang inorder niyang classic chocolate cake galing sa Rald's Box Café. Sasabihin na niya sa kanyang fiancé na iyon ang gusto niyang wedding sa kasal nila.
Pagtalikod ni Emil, ay muntikan na niyang mabangga si Braylon, dahil nasa likuran lang pala niya ang makisig na lalaki. Napahawak tuloy siya sa matipunong dibdib nito.
"P-psensya na hindi ko alam na nasa likuran kita. Tara punta na tayo sa dining area." ngiting sabi ni Emil, isang tapik sa balikat ni Braylon, ang ginawa niya. Nauna na siyang naglakad papunta sa dining area. Nakita na niya si Tita Patricia, na nakaupo.
"Oh! Braylon, nandito ka na pala." isang pekeng ngiti ang nasa mukha ni Patricia, tumayo pa talaga siya sa pagkakaupo at nakipagbeso-beso pa siya sa hampas lupang fiancé ni Penelope. Maginhawa na ang kanyang pakiramdam dahil nakaligo na siya. Nakapag-ayos na rin siya ng kanyang sarili.
"Good evening po Mam Patricia." ngiting sabi ni Braylon, masyado niyang nahalata ang kaplastikan na ngiti ng ina ng kanyang mapapangasawa. Kahit na pumayag na ito na ituloy ang kasal nila ng anak nitong si Penelope, ay ayaw niyang magpakampante. Baka kasi may niluluto itong plano para hindi matuloy ang kasal nila ni Penelope.
"Good evening din Braylon. Anyway nakilala mo na ba ang pamangkin ko? Si Emil, ang paborito kong pamangkin." ngiting sabi ni Patricia, tumingin siya kay Emil, na mukhang nahiya sa sinabi niya tungkol dito.
"Opo Mam Patricia, naipakilala na ni Penelope, sa akin si Emil." ngiting sabi ni Braylon, naagaw ang pansin nila sa pagdating ni Congressman Rafael Sanchez.
"Late na ba ako sa dinner? Mukhang especial yata dahil sobrang dami ng pagkain na inihanda ninyo?" takang tanong ni Rafael, kakauwi lang niya galing sa trabaho. Pagod na pagod siya dahil tambak ang trabaho niya. Marami siyang kailangan na pirmahan at basahin ang mga documents tungkol sa pinapagawa niyang mga projects. Sinisigurado niyang binabasa niya ang bawat isa sa mga documents na iyon para makita kung walang mga anumalyang nagaganap sa pinapagawa niyang projects. Napatingin siya kay Braylon, at isang mahinang tapik ang ginawa niya sa braso nito. Hindi sinabi sa kanya ng anak niya na darating pala ang hampas lupang fiancé nito. Ang alam lang niya ay si Emil, lang ang makakasama nila ngayon sa pagkain ng hapunan.
"Good evening po Congressman." magalang na sabi ni Braylon, magmamano sana siya kay Congressman Rafael, ngunit pinigilan siya nito.
"Masyado naman nakakatanda ang ginagawa mo Braylon." ngising sabi ni Rafael, umupo na siya sa puwesto niya sa dining table nila. Inaya na rin niyang umupo sila Braylon at Emil. Napatingin siya sa kanyang asawa na si Patricia, na masama ang tingin nito sa kanya.
"Tara na kain na tayo!" masayang sabi ni Penelope, buti na lang ay dumating ng maaga ang kanyang daddy. Nakipagbeso-beso siya at bumati siya sa daddy niya. Nagsimula na silang kumain. Katabi niya ang kanyang fiancé na si Braylon. Samantalang ang kanyang pinsan na si Emil, ay katabi ito ng kanyang mommy.
"Congressman Rafael, gusto ko po magpasalamat pala sa pag-ako…Sa isusuot kong barong sa kasal namin ng anak ninyo na si Penelope." lihim na natuwa si Braylon, biglang napatigil sa subo ng steak si Congressman Rafael, dahil sa kanyang sinabi. Akala siguro nito na ang tinutukoy nito ay ang s*x videong kumalat dahil din sa kasalanan nito. Nakausap na sila ni Rossel, sinabi nito sa kanya na wala itong kinalaman sa s*x video.
"Walang anuman Braylon. Magiging anak ka na rin namin kapag kinasal ka na sa anak namin na si Penelope." ngiting sabi ni Rafael, good mood siya dahil nakadalawa siya kay Amber.
"Salamat po kung ganun Congressman Rafael." ngiting sabi ni Braylon, nakita at ramdam niyang good mood yata si Congressman Rafael.
"Braylon, nasabi sa akin ng anak kong si Penelope, na beach wedding pala ang gusto ninyo. Meron na ba kayong napiling beach o resort para location ng kasal ninyo?" ngiting sabi ni Patricia, muntikan na niya maibuga ang kanyanh iniinom na red wine dahil sa sinabi ni Rafael, sa hampas lupang fiancé ng kanilang anak. Hindi niya maimagine na magiging anak niya ang isang hampas lupang katulad ni Braylon.
Napatingin si Braylon, sa kanyang fiancé na si Penelope, ganun din pala ito sa kanya. Wala pa kasi silang napapag-usapan tungkol doon. Pero meron siyang alam na resort na may beach kung saan lagi silang pumupunta roon nila Brantley at Brenon, at mga iba pa nilang kaibigan noon. Iyon sana ang gusto niyang beach para sa beach wedding nila ni Penelope.
"Wala pa po kami napapag-usapan ni Penelope." sagot ni Braylon.
"Babe nakausap ko si Sandro, sabi niya ay tutulungan tayong maghanap ng magandang beach para sa beach wedding natin. Bukas iyon." ngiting sabi ni Penelope, napahawak siya sa matipunong braso ng kanyang fiancé.
"Ah ganun ba. Kailangan ko pala magpaalam sa trabaho ko. Tatawagan ko na lang si Sir Lucas, para magpaalam na hindi ako papasok bukas." ngiting sabi ni Braylon, hindi niya sinasadyang mapatingin sa gawi ni Emil. Abala itong kumakain ng stake na para bang may sarilinh mundo ito.
"Bat hindi ninyo isama si Emil, para mag-enjoy naman siya dito sa bayan ng Prado." sabi ni Patricia, naisip niya na dapat ay mawili ang kanyang pamangkin dito sa bayan ng Prado. Para hindi na ito umalis ng ibang bansa. Nakausap niya ang kanyang kapatid na babae at sinabi nga nito sa kanya na hindi nila alam na nakauwi na pala si Emil, sa Pilipinas. Medyo may pagkapasaway talaga ang kanyang pamangkin na ito.
"Kung ok lang kina Braylon at Penelope? Gusto ko pa naman magbeach." ngiting sabi ni Emil, tahimik lang siya pero kanina pa siya nakikinig sa usapan.
"Babe good idea ang naisip ni mommy. Isama na natin si Emil. Para masaya tayo bukas kasi marami tayo. Sila Sandro, ay kumpleto sila. Sinabi nga niya sa akin na mag oover night tayo sa napili natin resort." masayang sabi ni Penelope, noong sinabi sa kanya iyon ni Sandro, na magoover night sila ay na excite siya dahil hindi niya pa nagagawang mag over night noong nag-aaral pa siya. Dahil masyadong strict ang parents niya. Lalo na ang kanyang daddy.
"Isama natin si Emil. Tsaka ok lang ba kung isama ko rin si Athan. Si Avery, isama mo na rin siya." ngiting sabi ni Braylon, nakita niyang tumango si Penelope, sa sinabi niya. Sigurado siyang magiging masaya bukas. At gagawa siya ng paraan para masolo niya si Sandro. Kahit makausap man niya ito ay ok na sa kanya.
"Well iyon din ang nasa isip ko kanina pa. Tatawagin ko si Avery, mamaya." ngiting sabi ni Penelope.
"Nakakainggit naman mukhang nagkaroon kayo ng instant outing ah?" ngiting sabi ni Congressman Rafael.