Break Na Ba Tayo? Chapter 54 "Sandro!" sigaw ni Treyton. Kalalabas lang niya sa elevator. Hindi niya mahintay si Sandro, sa loob ng condo unit nila. Kaya napagdesosyunan niya na hintayin niya ito sa lobby ng Chavez Tower. "Trey, kung makasigaw ka naman sa pangalan ko kala mo naman nawawala ako." birong sabi ni Sandro. Nagulat na lang siya dahil isang mahigpit na yakap ang binigay ni Treyton, sa kanya. Kahit na nagulat siya ay tumugon naman siya sa yakap sa kanya ng kanyang kasintahan. "Nasaan si Braylon?" tanong ni Treyton. Napatingin siya sa labas kung nandoon pa si Braylon, pero hindi niya ito makita pati ang itim na kotse nito. "Umalis na siya. Tara na akyat na tayo sa unit natin." ngiting sabi ni Sandro. Hinawakan ni Treyton, ang kamay ng kanyang kasintahan na si Sandro, at na

