Kennedy Gising na ang diwa ko pero gusto ko pang matulog dahil hindi ako nakakuha ng maayos na tulog kagabi. Ilang ulit akong kinulit ni Blair sa buong magdamag at nagpatianod naman ako dito. Nagmulat narin ako ng maalala kong may pasok pala kami ngayon. "Blair, gising na. Mahuhuli na tayo sa trabaho.”yugyog ko sa balikat niya pero sarap na sarap parin siya sa mahimbing niyang tulog. Yinugyog ko ulit ang balikat niya pero hindi siya natinag kaya napagpasyahan kong mauna ng bumangon pero hindi ko rin tinuloy dahil hindi naging komportable ang ibabang bahagi ng katawan ko sa bigla kong paggalaw. Nakaramdam ako ng hapdi dito. Yinakap ako ni Blair at bumulong siya sa tenga ko. "Masakit?"halos mamula ako sa tanong niya, humarap siya sa akin at sumilay ang napakapilyo niyang ngiti. Pinil

