Kennedy Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Nanliliit ako sa tuwing maaalala ko lahat ng sinabi ko sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa mga inisip ko kay Blair. Gusto kong umiyak at magtago dahil sa mga sinabi ko sa kanya. Kahit alam ko ang naging kwento ng buhay niya noon, eto parin ako hinuhusgahan siya na parang katulad ng mga humusga rin sa kanya noon. Katulad ng mga taong hindi nakinig sa kanyang mga paliwanag. Katulad ng mga taong hindi naniniwala sa kanya. I am one of them. Pagkatapos ng office hours, umuwi na ako. Deretso akong nagluto ng hapunan namin kahit abala ang utak ko sa kakaisip kung paano ko ba kakausapin si Blair tungkol dito. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang ayusin ito. At hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad. Narinig ko na ang ugong

