THIRD PERSON POV Nakailang katok na si Rochelle sa main entrance door ng ancestral house ng mga Reverendos ngunit wala pa ring nagbubukas ng pintuan mula sa loob. Ang alam niya ay naroon sa loob ng malaking bahay ang kanyang ninong na si Von at ang matalik na kaibigan ng misis nito. Hindi rin sumama sa resort ang inaanak ng kanyang ninong na si Angel kaya walang duda sa kanyang isipan na naroon din sa loob ang babae. Muli siyang kumatok sa pinto. Sa pagkakataong iyon ay mas nilakasan niya ang pwersa sa kanyang kanang kamao para masiguradong maririnig ng sinumang nasa loob ng bahay ang kanyang pagkatok. Wala sa loob na napatingin siya sa suot na wristwatch sa kanyang kaliwang bisig. Quarter to 12 midnight na. Unti-unting humina ang kanyang pagkatok nang maisip na marahil ay tulog na a

