THIRD PERSON POV
Hindi mapalagay si Von habang nakahiga siya sa ibabaw ng malambot na kama sa loob ng kwartong kanyang inookupa na isa sa napakaraming kwartong matatagpuan sa loob ng ancestral house ng kanyang angkan, ang angkan ng mga Reverendos.
Kanina pa nakaalis ang asawa ni Von na si Ruth kasama ang kanilang kumareng si Rosanna at ang anak nito na kanyang inaanak na si Rochelle patungo sa isang resort na naroon din sa probinsyang iyon na kinalakihan ni Von. Kaya naman agad na nagkulong sa loob ng kwarto si Von para makaiwas sa tukso.
Nitong mga nakalipas na oras ay parang hindi na gustong pagkatiwalaan ni Von ang kanyang sarili habang nasa paligid lamang ang limang babaeng gumugulo sa kanyang buong sistema, sina Angel, Betsy, Megan, Rochelle, at Rosanna.
Napapansin ni Von na nitong mga nakalipas na oras ay natatagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na pinagpapantasyahan ang limang babaeng may kaboses sa limang tinig na kanyang naririnig sa kanyang panaginip gabi-gabi.
Nararamdaman din ni Von na hindi niya napipigilang mag-init ang kanyang katawan sa tuwing nakikita niya ang sinuman sa limang babae at kung pagbabasehan ang ginawa niyang pakikipagtalik sa kumareng si Rosanna, masasabi ni Von na bumibilis din ang kanyang pagbigay sa tukso.
Kaya naman naroon si Von sa loob ng kwartong iyon para maiwasang makita o makasalubong man lamang ang isa kina Angel at Megan na napiling huwag sumama sa resort dahil ayon sa mga ito ay magpapahinga na lamang ang mga ito.
Hindi gustong pagdudahan ni Von ang totoong intensyon nina Angel at Megan kung bakit nagpaiwan ang mga ito sa ancestral house sa halip na sumama sa night swimming sa isang resort ngunit nakita niya kung paano siyang tinitigan ng malagkit ng dalawang babae nang makaalis na ang kanilang mga kasama papuntang resort.
Si Betsy na kasintahan ng stepson ni Von ay magpapaiwan din sana sa ancestral house ngunit sa kung anong kadahilanan ay bigla na lamang nitong naisipang sumama sa huling minuto bago umalis ang kanyang asawa at ang mga kasama nitong pupunta sa resort.
Dahil doon ay nabawasan ng kaunti ang pangamba ni Von. Dalawang babae na lamang ang kailangan niyang iwasan ngayong gabi.
Dilat na dilat ang mga mata ni Von habang nakahiga sa kama at ang kanyang plano ay hindi siya matutulog magdamag para bantayan ang pintuan ng kwarto kung sakali mang may magtatangkang pumasok sa loob ng kwartong iyon.
Hindi naman sana kakabahan si Von habang kasama sa ancestral house sina Angel at Megan kung hindi niya lang alam na parehong may pagnanasa sa kanya ang dalawang babae.
Hinding-hindi makakalimutan ni Von ang araw na ibinuyangyang sa kanya ng kanyang inaanak na si Angel ang hiyas nitong natatakpan lamang ng see-through thong. Kung hindi lamang nagpigil ng matindi sa kanyang sarili si Von nang araw na iyon ay baka kung saang kahalayan na sila humantong ni Angel.
Dahil sa totoo lang ay gustong-gusto nang sipsipin ni Von ang tahong sa pagitan ng mga hita ni Angel nang makita niya iyong sumisilip sa see-through thong na suot nito. Lalaki lamang siya at naaapektuhan siya sa mga ganoong nakakaakit na tanawin.
Mabuti na lamang at sa huli ay naisipan pa ring gawin ni Von kung ano ang tama.
Ngunit hindi alam ni Von kung kakayanin pa rin ba niyang pigilan ang sarili oras na muling subukan ni Angel na akitin siya.
Katulad na lamang nang nangyari kanina kung saan hindi nakaiwas sa tukso si Von at nagtaksil siya sa kanyang misis kasama ang kanyang kumareng si Rosanna. Dahil doon kaya desidido si Von na iwasan ang limang babaeng may kaboses na tinig sa kanyang panaginip.
Si Megan naman ay hindi mawala sa isipan ni Von dahil sa iginawad nitong halik sa kanya kagabi.
Ang halik na parehong-pareho sa unang halik na pinagsaluhan nina Von at Megan noon bago pa man siya maikasal sa matalik na kaibigan ni Megan na si Ruth.
Dahil sa halik na pinagsaluhan nina Von at Megan kagabi ay parang hindi lamang isipan ni Von ang ginugulo ni Megan kundi maging ang kanyang puso.
Oo, nang dahil sa nakaw na halik na iyon nina Von at Megan ay parang nanumbalik sa puso ni Von ang kanyang damdamin para kay Megan noon kasabay ng kanyang pagnanasang matikman ito.
Sariwa pa rin sa isipan ni Von ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa ni Megan sa loob ng kwartong inookupa nito sa kanilang ancestral house matapos niyang manggaling sa loob ng kwartong inookupa ng mag-inang Rosanna at Rochelle kagabi.
Malalim ang mga pinapakawalang paghinga ni Von habang naglalakad patungo sa kwarto ni Megan.
Pilit pinapakalma ni Von ang sarili dahil naninigas pa rin ang kanyang alaga mula sa mga kahalayan nina Angel, Betsy, Rochelle, at Rosanna.
Nang buksan ni Megan ang pintuan ng kwartong inookupa nito matapos kumatok ni Von ay nagulat si Von nang biglang hatakin ni Megan ang kanyang punit na sando.
Nawala na sa isipan ni Von ang kanyang sandong napunit ni Rosanna nang dahil sa ginawang pagkapa ni Rochelle sa kanyang alaga kanina.
Hatak-hatak ang punit na sando ni Von ay mabilis na nahila ni Megan ang lalaki papasok sa loob ng kwarto nito. Agad na isinara at ini-lock ni Megan ang pinto.
Nanlalaki ang mga mata ni Von nang magkaharap na sila ni Megan sa loob ng kwarto nito.
Von: A-anong---
Hindi na natapos ni Von ang kanyang sasabihin nang bigla siyang halikan ni Megan sa kanyang mga labi.
Nagulat si Von sa ginawang paghalik ni Megan sa kanya ngunit ilang sandali pa ay tumugon na rin si Von sa mainit na halik ni Megan.
Napapikit si Von habang sinasabi sa kanyang isipan na hindi pa rin nagbabago ang lasa ng mga labi ni Megan sa kanyang bibig.
Katulad ng unang halik na pinagsaluhan nina Von at Megan ilang taon na ang nakararaan ay matamis pa rin sa panlasa ni Von ang malambot na mga labi ni Megan. Damang-dama ni Von ang init na nagmumula sa mga labi ni Megan.
Nang ipasok ni Megan ang dila nito sa loob ng bibig ni Von ay agad iyong sinalubong ng dila ni Von at sa loob ng bibig ng lalaki ay naglingkisan ang dalawang mapusok na mga dila.
Nang mga sandaling iyon ay parang ibinalik sina Von at Megan sa panahong unang beses nilang natikman ang mga labi ng isa't isa.
Ang unang beses na nagtaksil si Von kay Ruth kasama ang matalik nitong kaibigan.
Hinding-hindi makakalimutan ni Von ang unang halik na pinagsaluhan nilang dalawa ni Megan dahil iyon ang kanyang naging kumpirmasyon na may damdamin din para sa kanya ang kaibigan ni Ruth na noon ay fiancée pa lamang niya.
Ngunit parehong alam nina Von at Megan noong mga panahong iyon na hindi tamang mahalin nila ang isa't isa dahil pareho nilang masasaktan si Ruth.
Hindi kayang saktan ni Von si Ruth dahil ito ang unang babaeng nagparamdam sa kanya ng totoong pagmamahal. At kahit noong nagsisimula nang magkaroon ng damdamin si Von para kay Megan ay mayroon pa ring puwang sa puso ni Von si Ruth.
Kailanman ay hindi nawala ang pagmamahal ni Von kay Ruth. Sabihin na ng iba na hindi maaaring magmahal ang puso ng dalawang tao ngunit ganoon ang naramdaman ni Von nang dumating ang panahong sabay na niyang iniibig ang magkaibigang Ruth at Megan.
Ganoon din si Megan na hindi kayang saktan si Ruth, ang nag-iisang taong itinuturing nitong tunay na kaibigan. Kapatid na ang turing ni Megan kay Ruth kaya kahit mahal na nito ang lalaking iniibig din ng kaibigan ay hindi kailanman nagtangka si Megan na agawin si Von mula sa kaibigan.
Dahil parehong may kasintahan sina Von at Megan nang mga panahong iyon kaya naging mutual ang decision nilang dalawa na huwag pagbigyan ang nararamdaman ng kanilang mga puso para sa isa't isa maliban pa sa pareho nilang hindi gustong mawala si Ruth sa kani-kanilang mga buhay.
Nang biglang dakmain ni Megan ang bukol sa shorts ni Von ay parang binuhusan ng malamig na tubig na nahimasmasan si Von at malakas na inilayo ang katawan ng babae mula sa kanyang katawan.
Nanlalaki ang mga mata ni Von habang nakatitig kay Megan na hinihingal mula sa ginawa nilang paghahalikan.
Von: B-bakit mo ako hinalikan, Megan?
Si Megan ay ilang sandaling hindi sumagot habang nakatitig sa nakaumbok na bukol sa harap ng suot na shorts ni Von.
Von: Megan, tinatanong kita kaya sumagot ka.
Pinipigilan ni Von ang sarili na magalit kay Megan.
Napag-usapan na nila noon na kalilimutan na nila kung anuman ang nararamdaman nila para sa isa't isa at kalilimutan na ang namagitang halik sa pagitan nilang dalawa. Kaya hindi maisip ni Von kung bakit bigla na lamang siyang hinalikan ni Megan habang naroon lamang sa inookupang kwarto nila ng kanyang asawa si Ruth.
Ngumisi si Megan kay Von.
Megan: Why? Didn't you enjoy it? You responded to my kisses, Von, and you enjoyed it.
Nabigla si Von sa sinabing iyon ni Megan.
Parang wala man lamang pagsisisi sa mukha ni Megan habang binabanggit ang mga katagang iyon kay Von. Kung titingnan ay parang proud pa si Megan sa ginawa nitong paghalik sa mister ng kaibigan nito.
Von: Nasisiraan ka na ba ng ulo, Megan? Hindi ba at nag-usap na tayo noon?
Nakangising umiling si Megan sa harapan ni Von.
Megan: Noon 'yon. Pero sa bawat taong lumilipas at nakikita ko kung gaano kasaya si Ruth sa piling mo ay hindi ko naiiwasang mainggit.
Natigilan si Von sa sinabing iyon ni Megan.
Megan: Mahal pa rin kita, Von. Mahal na mahal. Kaya nakipaghiwalay na ako sa dating boyfriend ko dahil handa na akong ipaglaban ka. Handa na akong makipagkompetensya kay Ruth para mapunta ka lamang sa akin.
Parang gustong magalit ni Von kay Megan dahil sa kanyang mga naririnig mula rito.
Von: Megan, kung ayaw mong magalit ako sa 'yo ay itigil mo 'yang mga sinasabi mo. May asawa na ako at mahal ko si Ruth.
Pinipigilan ni Von ang sarili na magtaas ng tono ng boses dahil maaari silang marinig ng kanilang mga kasama kung sisigaw siya.
Megan: Pero mahal mo rin ako at patunay ang pagganti mo sa aking mga halik para masabi kong hindi ako nawala riyan sa puso mo. At iyang bukol sa shorts mo, ako ang may gawa niyan, Von. Hindi mo lang ako mahal kundi pinagnanasaan din.
Hindi makapaniwalang napailing si Von habang unti-unting umaatras papunta sa pintuan ng kwarto.
Von: Kalilimutan ko ang mga sinabi mong ito, Megan. Kung gusto mong hindi masira ang ating pagkakaibigan at ang magandang samahan ninyo ni Ruth ay kalilimutan mo ang kahibangang ito.
Tiim-bagang na tinapunan ng tingin ni Von si Megan bago nagmamadaling lumabas ng kwartong iyon.
Mariing pumikit si Von dahil parang sumasakit ang kanyang ulo habang inaalala ang nangyari kagabi.
Hindi magandang indikasyon ang pagganti ni Von sa mga halik ni Megan kagabi para masabing kaya niyang umiwas sa tukso.
At kung pagbabasehan ang halik na pinagsaluhan nila ni Megan kagabi ay masasabi ni Von na may posibilidad na totoo ang sinasabi ng babae sa kanya na hindi pa rin ito nawawala sa kanyang puso at hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ito.
Frustrated na inihilamos ni Von sa kanyang mukha ang kanyang kanang palad.
Hindi dapat i-entertain ni Von ang ideyang may damdamin pa rin siya para kay Megan lalo na ngayong may asawa na siya.
----------
Nakangisi si Angel habang dahan-dahang naglalakad patungo sa kwartong inookupa ng kanyang Ninong Von sa ancestral house ng angkan nito. Hindi niya gustong palampasin ang pagkakataong ito para akitin ang kanyang ninong at may mangyari sa kanilang dalawa habang wala sa paligid ang asawa nito.
Malapit na sa kwarto ni Von si Angel nang bigla ay may maramdaman siyang kakaiba. Parang naninigas ang kanyang katawan.
Maya-maya ay nakabuka ang mga bibig na napatingala si Angel sa kisame ng ikalawang palapag ng ancestral house at parang may kung anong pumasok sa loob ng kanyang bibig ngunit wala naman siyang nakikita na kahit ano.
Ilang sandali pa ay hindi na maigalaw ni Angel ang kanyang sariling mga kamay, bisig, braso, paa, binti, at hita at para siyang itinulos sa labas ng kwarto ng kanyang Ninong Von.
Pagkatapos nang ilang minuto ay parang nagdidilim na ang paningin ni Angel at unti-unti siyang nanghihina.
Ako'y ikaw at ikaw ay ako.
Nanlaki ang mga mata ni Angel nang marinig ang parang galing sa hukay na tinig ng boses na iyon sa kanyang isipan.
Pinagpapawisan ng malapot ang sentido ni Angel habang hindi pa rin niya maigalaw ang kanyang katawan.
Ikaw ay ako at ako'y ikaw.
Angel: S-sino ka?
Hindi makapaniwala si Angel na kailangan niyang kausapin ang sarili sa mga sandaling iyon.
Ikaw ay siyang aking lipi. Ako si Trinidad.
Nanlaki ang mga mata ni Angel nang maramdaman niyang parang naninikip ang kanyang lalamunan at maya-maya lamang ay bumagsak sa sahig ang katawan ni Angel at tuluyan siyang nawalan ng malay.
----------
itutuloy...