Chapter 3

3092 Words
Voices echoed Giana as she lay on the floor. Wala siyang ideya kung gaano na siya katagal na nakahiga roon, dahil hindi naman niya magawang buksan ang mga mata. Minamalas na naman yata siya. Kotang-kota na talaga siya sa kamalasan sa araw na to. Kung hindi siya tatapunan ng beer, papaluin naman siya sa ulo at hanggang ngayon matindi pa rin ang pagkirot ng ulo niya. The voices grew louder. Ang isang tinig ay high-pitched, ang isa naman ay baritono at kalmado lang. "Yeah! Dino's here! Dino's here!" sigaw ng boses bata. "Alam ko Aedan, nakita ko rin siya. Go, maglaro kayo ni Dino sa playroom mo." "Watch Magascar?" "No, its Madagascar. Pero wag ka nalang manood ng DVD, gumawa nalang kayo ng picnic ni Dino para satin." Picnic? Something about this didn't make sense, pero wala siya sa kakayahan ngayon na mag-analisa sa mga bagay-bagay. She heard the sound of retreating footsteps and started to open her eyes. Dahan-dahan naman niyang idinilat ang mga mata kaya lang nasisilawan siya. Naramdaman din niyang may marahang humaplos sa pisngi niya. "Naririnig mo ba ako? Wag kang mag-alala magiging okay ka rin." sabi ng isang baritonong boses. "Alam kong masakit. Pero wag ka munang gumalaw. Paparating na ang mga police at ambulansya." "Hindi." at tuloyan na ngang idinilat ni Giana ang mga mata. "Hindi ko kailangan ang ambulansya. Kaya wag mo ng ipilit dahil matigas ang ulo ko." Then there was a faint chuckle, a low, sexy sound. Sigurado siyang okay lang ang kalagayan niya dahil tinawanan lang naman siya ng mokong. "Salamat sa warning, pero kailangan ka pa rin matingnan ng medics." Nang luminaw ang paningin niya, pares ng magagandang mata ang matalim na nakatitig sa kanya na parang nakakailang. Kung kaya't pinikit na lamang niya ulit ang mga mata. "Ikaw ba si Andress?" She tried peeking out of one half-closed lid. Napatango naman ito. "Magkamukha nga kayo ng kapatid mo." tas inangat nito ang isang ice bag. "Ilagay natin to sa ulo mo ha? At gusto ko rin malaman kung anong nangyari sayo." She took a deep breath when the ice touched her face. Nagsimula na rin siyang magkwento kay Andress kung pano siya nakapasok gamit ang spare key at ang natuklasan niyang pag ransacked sa kwarto ng ate niya, hanggang sa may biglang pumalo sa kanyang ulo dahilan sa pagkawala ng kanyang malay. Walang kakurap-kurap naman siyang tinitigan ni Andress. "Hindi masyadong binigyan ng halaga ng mga pulis ang pagkawala ni Ara, but now I think they will." Nang may kumatok sa pintuan, agad naman na binuksan ito ni Andress. Dumating na nga ang mga pulis at paramedics. Matapos ang ilang sandali, halos ilang beses na paulit-ulit na tinanong si Giana tungkol sa nangyari sa kanya. The paramedics examined her also and suggested that she go to the hospital to get checked up, pero tumanggi si Giana. The young paramedic was making one last plea to get her to the hospital when Andress spoke up. "Sasama nalang siya sa'kin sa bahay." "What?" gulat na tanong niya. "Yes po, Ma'am," sabi sa kanya ng babaeng paramedic na sumang-ayon rin kay Andress. "Kung magsusuka po siya sir, dalhin niyo kaagad si Ma'am sa pinakamalapit na hospital whether she wants to go or not." "No problem." sang-ayon rin ni Andress. "Teka lang." aniya at hinarap ang lalaki. "What do you mean I'm going to your house? Hindi mo na kami kargo ni Aedan, Mister. You've done more than enough." Sumigaw naman ng napakalakas si Aedan mula sa kabilang kwarto na ikinailing-iling ni Giana. "Sa tingin ko, hindi mo kakayaning mag-isa ang pamangkin mo." sabi pa nito. "Hindi muna kayo pwedeng tumira dito, at isa pa, walang malapit na hotel or inn mula rito." He had a valid point. No way could Giana handle herself and a five-year-old autistic boy for the next few hours. Pero ang pangingialam sa kanila ni Andress ang nakapagpairita sa kanya. Of course, lalo na ngayon na medyo nahihilo pa siya at masakit pa rin ang ulo niya. Sumigaw ulit ng napakalakas si Aedan. Ipinikit na lamang ni Giana ang mga mata. Growing up, she'd always been the one needing help and Ara had been the rescuer. Today, hindi naman niya kailangan ng kahit anong tulong. Kaya na niya ang sarili niya. Pero si Aedan? Paano ba niya pakikitungohan ang bata kung silang dalawa nalang? She took a deep breath and swallowed her irritation. "Okay sige, as if I have a choice." "Wala ka na ngang ibang choice, kaya tara na." ika pa ni Andress. Samantalang naisip naman ni Andress na hindi madali itong magiging papel niya. Imagine, naging instant guardian siya sa magtiyahin. Pinuntahan na niya si Aedan sa kabilang kwarto at nang sa kanyang paglabas sa naturang silid, hawak-hawak na niya ang bata sa isa niyang kamay at bitbit naman niya sa isa pang kamay ang bagahe. Si Aedan naman hawak-hawak pa rin nito ang paborito nitong stuff dinosaur. Papalabas na sana sila ng bahay nang makatagpo nila sa doorway ang dalawang unipormadong pulis. Bigla namang kinakabahan si Giana na di niya mawari kung bakit. Para kasing masamang balita ang hatid ng dalawang police officers. "Andress Damazo?" asked the older of the two officers. Napatango naman si Andress. "Ako pala si SPO4 Tuason, at ito namang kasamahan ko ay si Inspector Valdez." pagpapakilala pa nito. "May update na pala kami tungkol don sa inireport mong nawawalang babae na si Ara Siason." "Sarhento, ipakilala ko muna sa inyo ang kapatid ni Dra. Siason na si Ms. Giana Rodriguez." Ibinaling naman ni SPO4 Tuason ang atensyon kay Giana. "Ms. Rodriguez, natagpuan namin ang kotse ng kapatid mo." "Saan?" The word stuck in her throat. "Nalubog ito sa isang malaking fish pond, mga ilang kilometro lang ang layo mula rito." "Okay lang ba ang kapatid ko?" tanong ni Giana. "Nasaan siya ngayon?" Mas lalo tuloy tumindi ang kaba niya. Nagkatinginan naman ang dalawang pulis sa isa't isa bago pa ito nakuhang sumagot. "Iyan nga ang problema Ms. Rodriguez, wala kasi sa loob ng kotse niya ang kapatid mo." Panandaling natulala si Giana. "Tanging shoulder bag lang ni Ms. Siason ang nakita namin sa loob ng kotse niya. May nakita rin kaming dugo sa windshield kaya duda namin na nabunggo doon ang ulo ng kapatid mo. Sa ngayon, tinawagan na namin ang search team para sa paghahanap sa kanya." Si Andress naman ang nagsalita bago pa makasagot si Giana. "Sino ang mga nasa search team?" Ibinigay naman ni SPO4 Tuason ang pangalan kay Andress, at napatango-tango naman ang binata na parang kilala niya ang mga ito. "May mga ilang katanungan lang kami sa inyo," sabi pa ng sarhento. "Tungkol ito sa trabaho ni Ms. Siason at kung ano ang schedule nito." "Sige po, susubukan kong sagotin ang mga katanungan ninyo." tugon naman ni Giana. Pumasok sila ulit ng bahay at iginiya niya ang dalawang police officers sa sala, tas pinaupo niya ang mga ito sa sofa. Aedan tagged along chattering with his stuffed dinosaur. Nang akmang uupo na sana si Aedan sa gitna ng sahig ay kaagad naman itong dinampot ni Andress at dinala sa itaas. Sa pagbaba ng lalaki ay mag-isa na lamang ito. "Pinaguhit ko doon ang isa sa mga paramedics para malibang si Aedan." sabi ni Andress. "Buti nalang at hindi pa ito naghahanap sa kanyang ina. Kaya nga ayokong marinig ng bata na pinag-usapan natin ang ina niya." Naiirita na naman si Giana sa pinagsasabi ng lalaki kahit pa ito ay tama. Tila kasi kilalang-kilala na nito ang pamangkin niya. Samantalang siya na nag-iisang tiyahin ng bata ay walang alam tungkol kay Aedan. Tumabi naman ng upo sa kanya si Andress sa sofa, habang nakaupo sa tapat nila ang dalawang police officers. "Ms. Rodriguez, ano po ang ikinabubuhay ng kapatid mo?" Yong police Inspector na ang nagtanong sa kanya. "Ang alam ko lang na isa siyang research doctor." "Pwede mo bang ikwento samin ang mga routine niya?" dagdag na tanong ng Inspector. Napahilamos naman si Giana sa kanyang mukha. "Matagal na kasi kaming walang contact ng ate ko. Kaya hindi ko masasagot yang tanong mo." "Ganon ba?" di makapaniwalang saad ng Inspector. "Nakatira kasi ako ngayon sa Maynila. At simula nang magkahiwalay kami ng tirahan ng ate ko, madalang nalang kaming nag-uusap. Our lives and schedules are quite busy." "Kailan ang huli ninyong pag-uusap?" Pakiramdam ni Giana na namumula na ang mukha niya. "Mga tatlong buwan na yata ang nakalipas." "Ahh." Napatango-tango lang ang Inspector. Sumabat naman ngayon ang sarhento. "Since hindi naman pala kayo close ng kapatid mo Ms. Rodriguez, siguro naman matutulongan kami ni Mr. Damazo niyan." "Hindi sa hindi kami close." defensive niyang turan. "Magkalayo lang kami sa isa't isa. Pero hindi ibig sabihin na hindi na kami close." Ang tatlong pares ng mga mata ay sa kanya lang talaga nakatingin. "It's complicated, you know. Magkapatid lang din kami sa labas ni ate Ara. Maagang namatay kasi ang mommy niya, kaya nag-asawa ulit si papa sa mommy ko." "Separada na si ate Ara tatlong taon na ang nakalipas. Then a couple of months later, her son was diagnosed with autism, kaya nga hindi siya tumigil sa pagreresearch tungkol sa kundisyon ng anak niya. Yon rin kasi ang pinagkaabalahan niya, at ang rason kung bakit hindi na kami madalas nakapag-usap." Saying it aloud made Giana feel like more of a jerk than she had before, even though she'd left out some rather significant points. "Siguro si Mr. Damazo ang makapagbigay samin ng ideya kung ano ang pang araw-araw na ginagawa ni Ms. Siason." ulit na sabi ni SPO4 Tuason at ibinaling ang atensyon kay Andress. Shocks inignora ba naman ang beauty niya. "Kailangan kasi namin malaman kung may napansin ka ba na kakaiba sa kanya, kung anong oras siya pumapasok sa trabaho, at kung sino ang palaging kasama niya." Napasandal naman si Andress sa malambot na sofa. "Pumupunta ako dito sa bahay niya twice a week - Tuwing Lunes at saka Huwebes ang schedule ng punta ko rito. Babysitter kasi ako ni Aedan." paliwanag sa kanila ni Andress. "Pero kung ang gusto niyong malaman ay kung sino ang madalas na makasalamuha niya, nandoon ang lahat ng contacts sa spiral note na iyon." turo ni Andress sa isang notebook na nakalagay sa tabi ng telepono. Kinuha naman ng Inspector ang notebook. "So, paano kayo nagkakilala ni Ms. Siason?" tanong ng Inspector kay Andress. Yan din ang kanina pang gustong itanong ni Giana kay Andress. Hindi kasi mukhang babysitter para sa kanya si Andress. She'd initially thought he was a big guy, but sitting next to him, she realized he was huge. At least six foot four and well over two hundred pounds. Ang suot nito ay khaki cargo shorts na pinaresan nito ng itim na T-shirt na mahahalata mo talaga ang matipunong pangangatawan nito. Na para bang alaga ng gym. Sa tantiya rin niya ang edad ng lalaki ay mga early thirties. Plus points rin ang gwapong mukha nito infairness. Kaya nga parang hirap siyang maniwala na babysitter ito. "Naghahanap kasi ako ng pagkakitaan non, kahit extra-extra lang ba. Hanggang sa may nag refer sakin na kaibigan kay Ara na naghahanap daw siya ng taga bantay sa kanyang anak, at least twice a week." Napatango-tango naman ang Inspector kay Andress. "Tagabantay lang ba ng anak ni Ms. Siason ang relasyon mo sa kanya o higit pa, Mr. Damazo?" Napamaang muna si Andress sa tanong na iyon bago pa nito nakuhang sumagot. "Ang ibig mo bang sabihin na may relasyon kaming dalawa?" Tila naghintay ang dalawang police officers sa sagot ni Andress. Habang si Giana naman ay walang kakurap-kurap na tinitigan ang mukha ng lalaki. "Oo, Mr. Damazo, parte yan sa tanong namin." sabi ng Inspector. Tumikhim naman si Giana nang maramdaman niya ang tensyon sa pagitan ng police officer at kay Andress. "Naintindihan ko naman na kailangan niyong magtanong," saad ni Andress sa Inspector saka tumingin ito sa kanya. Steady lang naman ang boses nito na di mo makikitaan ng kaba or nerbyos. "Ang sagot ko ay hindi. Focused lang naman si Ara sa anak niya, at ang tanging relasyon ko sa kanya ay tagabantay lang ng anak niya. Higit pa roon, wala ng iba pa." The police Inspector asked more questions about daily routine, Ara's work and friends. Wala ng masyadong sinasabi pa si Andress, pero hindi pa rin tumitigil ang dalawang pulis sa pag usisa sa kanya. "Okay," saad pa ng Inspector. "Iyon muna ang gusto naming malaman sa ngayon. Siyangapala Ms. Rodriguez, saan ka ba namin tatawagan kung may kailangan pa kaming karagdagang impormasyon?" "Dadalhin ko muna si Ms. Rodriguez at ang pamangkin niya sa bahay ko." saad pa ni Andress at binigyan nito sa kanyang phone number ang dalawang pulis. "Saan naman namin kayo tatawagan kung gusto naming malaman ang updates sa paghahanap niyo sa kapatid ko?" tanong ni Giana. Ibinigay muna ng Police Inspector ang number nito kay Andress, bago ang mga ito tuloyang nagpaalam. Ano bang akala ng mga pulis na iyon, that she was too incapacitated to handle things? Hindi na lamang siya nagprotesta at sumunod na lamang siya kay Andress palabas ng bahay. Sa bawat sigaw ng bata habang naglalakad sila ay pumapantig ito sa kanyang tenga dahilan sa patuloy niyang pagkairita. Pero napatanto rin niya na hindi man lamang niya nasalubong ng yakap ang pamangkin. That was always awkward, since she didn't know exactly how to deal with the kid. Habang abala si Andress sa paghakot ng mga bagahe nila, nalibang naman si Aedan sa pakikipag-usap nito sa kanyang stuff dinosaur. What amazed her is that, Aedan was speaking. Real words. Real sentences. Nong huli kasi niyang nakita ang bata, he'd hardly any language at all, maybe two or three words lang ang masasabi nito. Now, he was using three-and-four-word sentences. Hindi man masyadong malinaw ang pagsasalita nito pero at least maiintindihan na ito. Pano kaya ito na improved ng bata? How had it happened? Yan ang mga tanong na naglalaro sa isipan niya habang paakyat na siya sa sasakyang pick up ng lalaki. The change had struck her until now, and she felt a fool for not noticing earlier. Sumakay na rin si Andress sa driver's seat and started the engine before she asked, "Kailan pa natutong magsalita si Aedan?" "Napansin mo rin sa wakas." he said, and put the car in gear. "Yes. But it took me long bago ko iyon napansin." Aedan began an animated conversation with the stuff dinosaur with complete growls and roars. "Na di-distract ka sa kanya noh?" turan ni Andress saka pinaharurot ang sasakyan patungo sa highway. Napatili naman siya ng malakas sa bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan ni Andress. "Pwede bang hinay-hinay lang!" "Naku pasensya na, hihinaan ko na po Ma'am. Pero balik tayo kay Aedan, medyo marunong na kasi siyang magsalita sa pagdating ko sa kanila." Aedan squealed again loudly, or baka ayaw lang nito sa enclosed space. Napangiwi naman si Giana at nilingon si Aedan sa back seat. Hindi man niya masyadong nakikita ito dahil sa dilim, but he was bouncing around despite being strapped in, looking like a typical five-year-old boy full of energy and fun. Napalingon na rin si Andress sa bata at inihinto muna ang sasakyan. "Hey buddy, di ba ang sabi ko sayo na tahimik lang pag nasa loob ka ng sasakyan." Napatango naman si Aedan. "Hi!" pagbati pa ni Giana sa bata. Hindi siya sinagot ni Aedan sa halip ay nagpatuloy lang ito sa paglalaro ng kanyang stuff dinosaur. She turned back to face the road. Eh ano bang inaasahan mo Giana, na kakausapin ka rin ni Aedan? Hindi ka nga kilala ng bata. Giana smiled sadly. Napabalik lamang siya sa kanyang presensya nang kausapin siya ni Andress. "May ginawa na biomedical therapies ang kapatid mo kay Aedan kamakailan lang. Pinainom niya ang bata ng isang dosenang bitamina araw-araw. Hindi rin sigurado si Ara kung ang pinainom niya kay Aedan ay isang panlunas or supplements lang. Pero sa nakita ko, parang gumagana naman ito kay Aeadan." More growls and giggles came from the back seat. "Mahirap paniwalaan." Giana still couldn't believe the change. "Yeah, pero hindi naman siguro ipapahamak ni Ara ang anak sa pagpapainom nito sa mga naturang bitamina o gamot." "Mahirap talaga paniwalaan yan." "Kung ikaw hindi naniniwala, alam kong maniniwala sakin ang mga pulis." "Sigurado kang maniniwala sila sayo?" "Oo, dahil ako lamang ang nakasagot sa tanong nila." Giana was silent as the reality washed over her. Her sister was missing, injured, possibly dead, and no one had any idea where she was or why this happening. And her son, who was so incredibly disabled, was miracuosly speaking for the first time in Giana's experience with him. Napapikit na lamang si Giana at napasandal sa headrest. Ara nasaan ka ba? Para namang may luhang bumabadyang tumulo sa kanyang mga mata, pero kinontrol niya iyon. Big girls don't cry. Kinagat na lamang niya ang pang ibabang labi upang tuloyang hindi mapahikbi. "Ayos ka lang?" tanong sa kanya ni Andress. Napahingos-hingos siya at iminulat ang mga mata. "No, not really." "Wag kang mag-alala, malapit na tayong makarating sa bahay. Doon makapagpahinga ka na ng maayos. Siguro sumasakit yang ulo mo noh?" "Mr. Andress Bonifacio, has anyone ever told you that you have a talent for understatement?" "No, I don't get that very often, Ma'am." nakangising wika nito. Turning on her side, she faced Andress in the darkness. "So what is it exactly that you do with Aedan?" "Wala naman akong ginawa kay Aedan, tuwing nasa bahay ako nila naglalaro lang kami palagi ng picnic. That's a type of play therapy, Ma'am. May autism siya kaya nahihirapan siyang makipagcommunicate sa iba. Wala rin naman siyang ibang kalaro kundi ako lang. The play therapy is a way of keeping him engaged para marunong siya kung pano makipag interact sa iba, kaysa naman gagawa siya ng sarili niyang mundo at hindi magsasalita." "So mag picnic-picnikan lang kayo, ganon?" "Yeah, at sa laro na yon siya nag e-enjoy." sagot naman ni Andress. Ah kaya pala ang hininging laruan ng kanyang ate Ara before ay mga plastic model food, dahil yon pala ang paboritong laruin ng pamangkin. "Alam mo bang ako ang nagbigay sa kanya ng mga plastic model food?" "Oh, ikaw pala ang nagbigay sa kanya. Gusto talaga niya ang mga laruang yon, bukod diyan sa kanyang dala-dalang stuff dinosaur." "Ang kapatid mo ang nagmungkahi sakin na maglaro kami ng picnic-picnikan kasama ng stuff dinosaur niya. It was one of the first pretend things he learned to do." "So maliban sa pagbabantay ng pamangkin ko, ano naman ang ibang pinagkakaabalahan mo?" "Nag schooling ako, but right now nagbabakasyon pa ako." "So part time mo lang ang pagbabantay ng bata?" "I'm in between jobs." sagot naman ni Andress. "So ano pang ibang trabaho mo?" Napansin niyang parang na te-tense ang lalaki sa sunod-sunod na tanong niya. But she wanted answers. Gaya nang kung sino talaga ang lalaking ito sa buhay ng ate Ara niya. Matagal-tagal din na katahimikan ang namayani. Kahit nga si Aedan ay nanahimik rin. Kaya akala niya hindi na siya sasagotin ni Andres. "Ang totoo, nasa NBI ako nagtatrabaho." "Ano naman ang trabaho mo sa NBI?" pangungulit pa rin ni Giana. Pero hindi na naman agad nakasagot si Andress. "Sigurado kang gusto mong malaman?" Napatango-tango naman siya. "Yes." "Sniper." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD