Nagising si Giana dahil sa sikat ng araw na pumasok sa kanyang silid. Pagkabangon niya, una niyang naisip ang pagkamatay ni Ara. Giana wanted nothing more than to stay right where she was. Humiga siya ulit at tinakpan niya ng unan ang mukha. Nagulantang na lamang siya ng tumunog ang kanyang cellphone. Agad-agad naman niya itong sinagot. "Hello?" "Giana, si Tommy to. Okay ka lang diyan? Nagising ba kita?" "I'm hanging in there." she managed to say. "Nakita ko ang news..tungkol sa kapatid mong si Ara. Hindi ako makapaniwala sa nangyari sa kanya. I'm so sorry, Gi. Are you safe?" Inilibot naman ni Giana ang paningin sa buong silid. "For a while, I think." "Tama ba ang narinig ko sa balita na magkasama kayo ngayon sa taong pumatay sa kapatid mo?" "Alam mo hindi totoo yan. Magkasama na ka

