Eros' P.O.V. Pagpasok namin sa loob nila Royce at Jay ay nakatalikod padin ang lalaki habang nakaupo sa isang lamesa sa gita. Tahimik ito at hindi gumagalaw. Tinignan ko naman ang paligid at hindi dito magulo. Maayos pa din ang paligid at bahid ng mga dugo dito. "Hey?" mahina kong tawag sa lalaki. Hindi ito lumingon sa akin o kahit na gumalaw man lang. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. Nang nasa likuran nya na ako ay huminto ako saglit. Tinignan ko sila Royce at Jay na nakatayo sa pintuan. Tumango ako sa kanila at ganun din ang ginawa nila. Hinigpitan ko ang paghawak ko sa baseball bat at dahan-dahan na hinawakan sa balikat ang lalaki. "Bakit ka mag-isa dito? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Parang slow motion ang kanyang paglingon sa akin. Nanlaki ang mata k

