Joshua's P.O.V. "Pano tayo makakapunta sa 7th building? sobrang daming zombie na sa labas," sabi ni Zoe habang nakatingin sa mga nagkukumpulang zombie sa baba. "Sa likod ng building tayo dadaan," sabi ko sa kanya at inabutan sya ng panibagong bote ng tubig dahil kailangan nyang uminom ng madaming tubig. Sumilip kami sa likod nitong building at kokonti lang ang zombie dito. Mga lima lang ito at sa tingin ko ay kaya ko naman sila paslanging lahat. Kailangan lang naming hindi gumawa ng ingay na maa-attract ang mga zombies at tumakbo ng mabilis pero dahil sa sugat ni Zoe ay sa tingin ko hindi pa gaano yun magaling. "Sumasakit padin ba yung sugat mo sa paa?" tanong ko sa kanya. Agad naman syang umiling. "Hindi na. Sa tingin ko kaya ko na tumakbo ng mabilis at malayo atsaka isa pa wala d

