ZH: CHAPTER FOUR

1816 Words
Zea's POV "Nasan na yung Zombie?" halatang takot na tanong ni Joshua. I know him. Sa sobrang pagiging trouble maker nya ba naman sino hindi makakakilala sa kanya? at isa pa, anak sya ng may-ari ng paaralan na ito. Umayos ako ng upo kahit nahihilo ako. Nakakainis talaga yung Asia at Caye na iyon sa pang-bubully sa'kin! porke't hindi lang ako lumalaban ay ako na ang lagi nilang pinagti-tripan. Wala naman akong ginawa sa kanilang masama. "Hindi ko alam." sabi ko at tumayo. Kumapit ako sa pader at napangiwi. tinignan ko ang sugat ko sa paa. Napapikit ako nang maramdaman ko ang sakit at hapdi nito. Pinatid kasi ako nung dalawang bully na si Caye at Asia. Papasok pa lang ako sa school non at naglalakad sa campus nang bigla nila akong pinatid at madaming maliliit na bato sa labas. Sinubukan kong tumayo na hindi nakahawak sa pader at nagawa ko naman. Kailangan ko tiisin ang sakit lalo na at nasa panganib ang buhay ko. Agad kong ginala ang aking paningin. Sobrang tahimik at kami lang ni Joshua ang nandito ngayon sa loob ng library. "uhhh..." sabay kaming napatingin ni Joshua sa kaliwa at nakitang gumagapang na ito ulit papunta samin. "A-ano pang hinihintay mo?! patayin mo na!" natataranta kong sabi sa kanya. Alam kong dapat hindi kami mataranta pero hindi ko mapigilan! takot ako sa mga Zombies! Hindi rin ako mahilig sa mga horror at gore movies. "Wa-wait," nagulat kami nang tumayo unti-unti ang Zombie at bali-bali ang buto nito. "Ahhh!" agad kong sigaw ng tumakbo ito palapit samin pero agad na nahampas ni Joshua yung Zombie sa ulo at napaatras ito. "Lakasan mo!" utos ko sa kanya habang nakatakip ang kamay ko sa aking mata. "Ikaw kaya dito?!" Kinakabahan na sabi nito sa akin. "Kaya mo na yan!" agad kong sabi at sumilip ng onti. Nang tumakbo ulit ang Zombie papunta sa direksyon namin ay nanlaki ang mata ko ng pumasok ang Stick ng mop sa bibig ng Zombie at tumagos sa ulo. "FCK JOSHUA." gulat kong sabi at tumalikod dahil sa aking nakita. Pinikit ko nang madiin ang aking mga mata at pinunasan ang luha ko. Sobrang lakas nang t***k ng aking puso. Rinig na rinig ko ang pintig nito at paulit-ulit kong naalala ang pagtagos ng mop sa bunganga ng zombie na ayon. Pakirmdam ko ay masusuka ako pero pinipigilan ko ito dahil mas nangingibabaw ang takot at kaba na nararamdaman ko. "Hey, okay na, wala na. Now, we need to get the hell out of here." Rinig kong sabi ni Joshua. Dinilat ko ang mga mata ko at huminga nang malalim. Matapos kong mapakalma ang aking sarili ay humarap na ako kay Joshua ngunit nakita ko ang zombie na warak ang mukha sa sahig. Napapikit ulit ako at muntik nang matumba. it's okay Zea. It's okay-- pero hindi talaga okay! Isa sa Zombie ang kinakatakutan ko at ngayon ay nasa harapan ko na ito! "hey." Napadilat ako nang magsalita si Joshua at nakita ko syang nakatalikod sa akin at nakaupo sa sahig. "Sakay." Utos nito sa akin. "Anong ginagawa mo?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. "May sugat ka sa paa, baka mas lalong lumala." sabi nito at tinignan ako nang masama kaya naman ay wala na din akong ibang nagawa kundi ang sumakay sa kanyang likod. Pagkasakay ko naman ay agad na syang tumayo at naglakad papunta sa pintuan. "Kailangan natin muna makapunta sa clinic at kumuha ng gamot dahil maamoy at maamoy ng zombies ang sugat mo." Seryosong sabi nito at sumilip sa hallway. Name: Zea Cho Age: 16 Yohan's P.O.V. Nilagyan namin ng maraming pako ang mga baseball bat namin. Mabuti na lang at sa storage room kami nagpunta para kahit papaano ay mga kagamitan dito na pwede namin magamit. Kinuha ko ang nag-iisang kahoy na pahaba sa gilid at binuksan ang brown na cabinet sa gilid. Kinuha ko ang nagiisang machete dito. "Okay na ba to? pang-shield?" Tinignan ko naman si Mika na hawak hawak ang wet floor sign at ginawa itong pang-shield. Nilagyan nya ito nang hawakan sa kabilang side. "Pwede na 'yan. Limited lang ang mga gamit dito." Sabi ko at ginamit ang machete para patulisin ang dulo ng mahabang kahoy na kinuha ko. "May mga baseball helmet dito. Magagamit ba na'tin to?" Rinig kong tanong ni Kelly sa kabilang side. "Oo. Dagdag proteksyon iyan." Sabi ni Ryan habang iniipon ang mga folders at pinagdidikit para mailagay namin ito sa mga braso namin para hindi kami agad agad makagat ng mga zombies. "Nakagawa na ako ng apat na shields. Pwede na natin gamitin to." Nakangiting sabi ni Mika at nilapag sa lamesa ang apat na shield na ginawa nya gamit ang wet floor sign. "Nagagawa mo pang ngumiti sa ganitong sitwasyon?" Tanong nito sa kanya ni Kelly. Hindi sumagot si Mika at umirap lang sya kay Kelly. Napailing na lang ako dahil mukhang mahihirapan na magkasundo ang dalawang ito. Matapos kong patulisin ang mahabang kahoy na hawak ko ay napabuntong hininga ako. "Ayos na ba ang lahat?" Tanong ko sa kanila. "Okay na ang lahat." Sabi ni Ryan at tumayo na. "Isuot nyo na ito sa ialim ng mga uniform nyo kung ayaw nyo na makagat kayo agad ng mga zombies." Isa isa nya kaming inabutan ng mga folders na ginawa nya. Agad ko nang hinubad ang polo na suot ko at agad na tumalikod naman sila Kelly at Mika. "Kailangan natin suotin to. Wag na kayo maarte." Sabi ko sa kanila at pagkahubad ko ng polo ay agad ko nang nilagay sa braso at forearm ko ang folder na paikot. Matapos ko itong mailagay ay sinuot ko na din ang polo. Tinignan ko si Ryan at tapos na din ito maglagay ng folders sa kanyang braso. Medyo mahirap igalaw ang mga braso namin pero mas okay na ito kaysa sa walang proteksyon. Kailangan namin makaligtas. "Tatalikod na kami ni Ryan, Bilisan nyo." Sabi ko sa kanila at tumalikod na kami ni Ryan. "Subukan nyong sumilip, tutusukin ko mga mata nyo." Rinig kong sabi ni Mika at natawa ako dahil sa pagbabanta nito. Simula bata pa lang kami ay sobrang palaban at matapang na talaga sya. "Okay na kami." Sabi ni Kelly at humarap na kami. Kinuha ko ang baseball bat na maraming pako at sinabit ito sa aking pants. Kinuha na din naman na nila ang baseball bats nila at kinuha na din namin ang shield na ginawa ni Mika. Sinuot na din namin ang baseball helmet na kinuha ni Kelly. "Sino ang hahawak nito?" Tanong ko sa kanila at pinakita ang machete. Walang sumagot sa kanila at sa sobrang tahimik ay naririnig namin ang sigawan sa labas. Alam kong natatakot silang gamitin ito at nandidiri ngunit kailangan namin lakasan ang loob namin. Hindi dapat kami matakot kung gusto pa namin mabuhay. "Ako." Lumapit si Ryan sa akin. Ngumiti ako sa kanya at inabot ang Machete. Iba ang pagkakakilala ko kay Ryan. Hindi ko inakala na matapang din sya dahil sya ang pinakabata sa aming klase. Kinuha ko ang mahabang kahoy na may patusok s dulo. "Ako ang mauuna." sabi ko at lumapit na sa pinto. "Ako na sa likuran." Rinig kong sabi ni Ryan. Lumingon ako sa kanila at nakita si Mika na nakayuko sa aking likuran. Hinawakan ko ang kanyang kamay at ngumiti sa kanya. Nasa likuran naman ni Mika si Kelly at si Ryan ang nasa dulo. "Walang lalayo sa atin. Naiintindihan nyo ba?" Seryoso kong tanong sa kanila at tumango naman sila. Joshua's P.O.V. Nasa pinakadulong building kami ng kasama kong babae kaya wala pa gaanong zombie dito. Malaki ang Zeifra High. 15 Buildings na may limang palapag ang mayroon dito dahil marami ding nag-aaral dito. Sobrang lawak nang pinagawang paaralan na ito ng aking Ama. "Natatakot ako. Pano kung may zombies sa baba?" Rinig kong tanong ng babaeng buhat buhat ko sa aking likuran. "Don't worry. Sa tingin ko hindi pa sila gano nakakapunta dito." Sabi ko at nang nasa hagdan na kami pababa ay sumilip muna ako at walang tao. Nakabukas ang lahat ng classrooms at sa tingin ko ay nagtakbuhan na ang mga estudyante at teachers para makalabas agad sa Zeifra High. Pero pano kung sa entrance nagsimula ang virus? Mahihirapan sila makalabas. Pagkababa namin sa 1st floor ay agad na akong dumiretso sa Clinic. Pagpasok namin ay agad kong ni-lock ang pinto at pinaupo sa isang kama itong babae. Hindi ko pa nga pala alam ang pangalan nya hanggang ngayon. "What's your name?" Tanong ko sa kanya habang naghahanap ng mga gamot sa drawer at cabinet. "Zoe. Zoe Cho." Rinig kong sabi nito habang nakaupo sa kama at nakatingin sa kanyang sugat. "Joshua Han." Sabi ko at habang kinukuha ang betadine sa isang cabinet. "I know." Mahina nyang sabi. "Sino ba naman hindi makakakilala sa isang trouble maker na anak ng may-ari nitong Zeifra High?" Sabi pa nya at narinig kong napabuntong hininga ito. Natawa naman ako dahil sa sinabi nya. Binuksan ko ang isang drawer at nakakita ng badage. Matapos kong kuhain ito ay sinara ko na ang drawer at kinuha ang isang upuan. "Mabuti naman at kilala mo ako." Sabi ko sa kanya at tinapat ang upuan sa harap nya. Umupo ako sa upuan at kinuha ang paa nya. Nilagyan ko ito ng betadine. Grabe ang sugat at gasgas nya. San nya naman kaya nakuha ito? "Hindi ko akalain na may mabuti at gintong puso pala si Mr. Joshua Han." Sabi ni Zoe kaya naman napatingin ako sa kanya na nakatingin lang sa sugat nya. "Ano bang nangyari sa'yo?" Tanong ko sa kanya at sinimulan nang lagyan ng bandage ang sugat nya. "I'm just a nodoby." Sabi nya at ngumiti na may halong lungkot. "Hindi mo pala alam na favorite toy ako nila Caye at Asia." sabi nito at inayos ang suot na bilog na salamin. Matapos ko syang lagyan ng badage ay nilapag ko ang paa nya. "Bakit naman hinayaan mo lang na gawin nila to sa'yo?" Tanong ko at tinignan sya sa mga mata. Nag-iwas naman sya ng tingin at nakita kong naluluha sya. Troublemaker ako pero never ako nangbully ng kapwa estudyante ko. Hindi ko magagawa 'yon. "Scholar lang ako. Mahirap lang ako. Wala din akong kaibigan." Sabi nya at ngumiti sa akin. Tumayo ako at napabuntong hininga. Kilala ko sila Caye at Asia. Sila ang laging nangbubully dito sa campus. Tinignan ko si Zoe. Nakabraid ang kanyang buhok at mukhang malabo ang mga mata ny dahil nakasuot ito ng salamin. Maputi din sya at maganda. "From now on, I'm your friend." Sabi ko sa kanya at napatingin sya sa akin. *Bogsh* Agad kaming napatingin sa kama sa dulo. Nakasara ang curtains nito kaya hindi namin napansin ito at may narinig kaming gumagalaw dito. "Joshua.." Mahinang sabi ni Zoe at kumapit sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD