Eros' P.O.V. "Hindi ka namin pinipilit, Royce. It's up to you kung gusto mo sumama sa amin at tulungan kami ni Jay na maghanap pa ng mga survivors dito sa Zeifra High. Kung hindi ka sasama sa amin, naiintindihan ko naman yun," sabi ko sa kanya at ngumiti. Agad naman syang napayuko. "Sorry," mahinang sabi nito. "Why?" Tanong ko sa kanya. "I just.. do't know what to do," naguguluhan nyang sabi. "Bakit? Ano bang gusto mong gawin? May iba ka bang gustong puntahan? Sino at saan?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Tumingin naman sya sa akin at huminga ng malalim. "My girlfriend and my friends. Nasa labas sila and I'm not sure kung ligtas ba sila o hindi. I want to help them." Naiintindihan ko ang nararamdaman nya. Kahit ako ay naiisip ko din ang mga kaibigan ko sa labas lalo na ang

