ZH: CHAPTER EIGHT

1650 Words
Yohan's P.O.V. "May zombies din sa loob pero konti lang hindi katulad dito sa labas," Sabi ni Ryan habang nakasilip sa bintana dito sa 6th building. "Let's go. Papunta na dito yung mga zombies," Sabi ko habang nakatingin sa mga zombies na naglalakad ngayon papunta sa amin. "Magready kayo pagpasok. I-lock din natin yung pinto para hindi na makapasok pa ang iba," Dagdag na sabi ko pa sa kanila. Tumango naman sila at agad na binuksan ni Ryan ang pinto. Pagbukas ng pinto ay agad na napalingon sa amin ang iilang zombies. Agad na kaming pumasok at ni-lock na nil Ryan ang pinto habang hawak-hawak ko ang baseball bat at handa nang hampasin o patayin ang mga zombie na lumalapit sa amin. "Yaaahh!" Nagulat ako nang makita na sumugod si Mika at malakas nyang hinampas sa ulo ang isang lalaking zombie at tumalsik ang dugo nito sa pader. Nakatingin lang kami nila Ryan sa kanya at hindi nagsalita. Lumingon naman si Mika sa amin at nakakunot ang noo. Nakita kong may natalsikan sya ng dugo sa pisnge. "Ano pang iniintay nyo? Kailangan na natin makahanap ng room na may pagkain at magpahinga saglit." Sabi nya sa amin habang hinihingal. Agad akong naalerto nang makita na may zombie na lumabas sa isang silid sa gilid nya. "Mika!" Sigaw ko at tumakbo sa kanya. Agad ko syang tinulak at sinipa ang zombie sa tyan. Nang matumba ang zombie ay tatayo pa sana ito pero agad kong sinaksak sa bunganga nya ang baseball bat at hindi na ito gumalaw. "Bilisan na natin, nakuha na natin masyado ang atensyon ng mga zombies." Sabi ni Kelly habang nakatingin sa bintana dito sa hallway at may mga zombie na kinakalabog ang bintana mula sa labas. Naptingin din ako sa mga zombie dito sa loob at papunta na sila sa amin. Naglalakad lang nang mabagal ang mga ito hindi tulad ng nakita o napatay namin kanina sa kabilang building at sa labas. Tinignan ko si Mika at mukha syang na-shock sa nangyari. "It's okay, Mika." Sabi ko sa kanya at napatingin naman sya sa akin. Kinuha ko ang puting panyo ko sa bulsa at pinunasan ang dugo sa kanyang pisnge. Agad naman syang nag-iwas nang tingin. Ngumiti ako at binalik na sa bulsa ang panyo ko. Mika's P.O.V. Nagulat ako nang punasan ni Yohan ang pisnge ko. Agad akong nag-iwas nang tingin dahil biglang bumilis ang t***k ng puso ko at nakaramdam ako ng hiya. Wala na kaming oras para pa sa mga ganto. "Let's go. Mamaya na kayo magharutan." Sabi ni Ryan sa amin. Agad naman na akong umayos ng tayo. Naalala ko na sinabi din yan ni Yohan kanina sa kanila ni Kelly. Napaubo lang si Yohan at nagsimula na kaming maglakad. Laging nasa harapan si Yohan dahil sya ang pinakamalakas sa amin. Katabi nya naman si Ryan na sa tingin ko ay sanay na gamitin ang machete at tuwing may napapatay sya ay hindi ko maiwasan mandiri sa aking nakikita. Katabi ko naman si Kelly na hawak-hawak ang baseball bat. "Yaahh!" sigaw ni Yohan at Ryan sa harap habang pinaghahampas ang zombie. "Kelly!" Sigaw ko nang may zombie na nilampasan sila Yohan at tumakbo ito kay Kelly. Busy sila Yohan at Ryan sa zombie na kaharap nila kaya naman ay hinampas ko ang zombie sa ulo at ganon din ang ginawa ni Kelly. Natumba naman ito at napatingin sa'min sila Yohan. Nag-thumbs up lang sya saglit at nagsimula na ulit kaming tumakbo at pagmay nadadaann kaming mga zombie ay agad naming pinapaslang ito. Umakyat kami sa 2nd floor at nakitang may limang zombie ang nagkukumpulan at kumakapalag sa pinto sa isang classroom sa gilid. Nakarinig din kami ng tili mula sa classroom at nagkatinginan kami nila Yohan. Tumango kami at agad na nagpunta don. "Raw..r!" Napatingin sa amin ang zombie at nagtakbuhan sa amin. Agad na hinanda ni Ryan ang machete at pinutol ang ulo ng unang zombie na nakalapit sa amin. "Kadiri parin." Sabi nya habang naiiling at nakatingin sa ulo ng zombie na nakatingin sa kanya. "Keep it up, Ryan." Sabi ni Yohan at ngumisi. "Madami pa tayong mapapatay at papatayin para maka-survive," dagdag pa ni Yohan at pinat ang ulo ni Ryan. "Ayaw ni Ryan na tinatrato syang bata," Mahinang sabi sa akin ni Kelly. Ryan's P.O.V. Pagkapat ni Yohan sa ulo ko ay agad akong nakaramdam ng inis. Ayokong tinatrato akong bata. Malaki na ako at gusto kong patunayan yun sa lahat lalo na kay Kelly. "Yaaah!" Sigaw ko at sumugod sa mga zombie. "Ingat Ryan!" paalala sa akin ni Yohan. Pagkalapit sa akin ng isang zombie ay sinipa ko ito sa tyan at natumba. May isang zombie naman na inaabot ako pero hiniwa ko ang kamay nito at pagkasigaw nya ay tumulo ang kanyang laway na may halong dugo. Sunod ko namang hiniwa ay ang kanyang leeg at natahimik ito kasabay nang pagbagsak ng ulo nya sa sahig. Napatingin naman ako sa paa ko nang hawakan ito ng zombie na sinipa ko kanina. Nakita ko naman si Yohan na hinahampas na din ang ulo ng iba pang zombie pati narin sila Kelly. Agad kong sinipa ang mukha ng zombie na nakahawak sa paa ko at sinaksak ko ang machete sa kanyang ulo. Tumigil naman na ito sa paggalaw at pagtingin ko kila Yohan ay napatay na din nila ang mga natirang zombie. *Thud* Agad kaming napalingon sa hagdan nang makitang madaming zombie ang nagkukumpulan at papunta na ito sa amin. Punong puno na ang hallway ng zombie. Napatingin ako kila Kelly at nakitang natatakot ang mga ito. Agad akong tumakbo sa pinto at kumatok. Habang kumakatok ay sumilip ako sa glass dito sa pintuan at nakita ang isang babaeng nakatingin sa akin mula sa loob. Nilakasan ko pa ang katok. "Buksan mo to!" Sigaw ko sa kanya. "Please! buksan mo ang pinto! Hindi kami Infected!!" Sigaw ni Kelly dito. Napatingin ako sa zombie at bumibilis ang mga lakad nito. Isang classroom na lang ang layo nila sa amin! Wala na kaming takas dito. "Open the damn door!!" Sigaw ni Yohan at kinalapag ang pinto. "Ano nang gagawin na'tin?" Umiiyak na tanong ni Mika. Tinignan ko ang babae sa loob at nasa harapan ko na sya. Nanginginig ito sa takot at alam ko ang nararamdaman nya. Nahihirapan sya magtiwala ngayon. "Buksan mo ang pinto! Please! Hindi kami infected!!" Sigaw ni Kelly habang patuloy sa pagkatok. Nakita kong sobrang lapit na nang mga zombie at agad kong hinigpitan ang hawak sa machete at ganon din si Yohan. Zoe's P.O.V. "Sht," rinig kong mahina na sabi ni Joshua habang nakatingin sa limang zombie na pagala gala sa tapat ng 10th building. Huminto kami sa pagtakbo at napahawak ako sa aking tuhod dahil sa pagod na nararamdaman ko. Hinihingal akong nakatingin sa mga zombie at agad akong nakaramdam ng takot at kaba. Napatingin ako sa ankle ko dahil mas lalong kumirot ito at sumakit. Napagiwi ako nang makita na lumala nga ito. Sobrang kita na ang dugo dahil kulay pula na ngayon ang puting bandage na nilagay ni Joshua dito kanina. "Tulong!" Napatingin kami sa rooftop at nakitang may babae doon. Mukha itong takot na takot at umiiyak. Nakasandal na ito sa riles at Pilit nyang tinataas ang kanyang kamay. Kumakaway ito sa amin at humihingi ng tulong. "Let's help her." Sabi ni Joshua sa amin at tumango ako. "What? are you guys insane? sigurado akong may zombie na din sa loob dahil look! may zombies na sa labas dito!" nakakunot noong sabi ni Matthew. "I'm going to help her. Kung ayaw mo edi wag. Ikaw na ang bahala sa sarili mo." Galit na sabi ni Joshua dito. "Guys.." Tawag ko sa kanila habang nakatingin sa rooftop. "Bakit?" Tuminginb sa akin si Joshua. Nanlaki ang mata ko nang makita na tumuntong ang babae sa riles. Nakatingin ito sa likuran nya at umiiyak. Napaatras ako nang makita na may zombie na inaabot sya. "Yung babae.." mahina kong sabi habang nakatingin padin sa rooftop. "Ahhhh!" Tumili ito at kitang kita ng mga mata ko ang paglaglag nya mula sa rooftop hanggang sa sahig. Agad akong napa-upo at nakatingin sa katawan nya na bali bali ang buto at tumalsik ang dugo sa paligid. "What the hell." Gulat na sabi ni Joshua. Agad na nagsigawan ang mga zombie at napatakip ako sa magkabilang tainga ko. Napapikit ako nang makita na nilapitan ng mga zombie ang katawan ng babae at nagsimulang kainin ito at kagatin sa kung saan saang parte ng katawan nya. "Sht. Anong gagawin natin?" Natataranta na tanong ni Matthew. "Zoe!" Napadilat ako nang lumuhod si Joshua at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "You're bleeding. Maamoy ng zombies ang dugo mo. Kailangan natin gamutin yan agad." Sabi nya at tumalikod sa akin. "Sakay." Sabi nya. "Kaya ko maglakad." Sabi ko at tatayo na sana nang kuhain nya ang kamay ko. "Mas lalong lalala ang lagay ng ankle mo. Paglumala yan mas mahihirapan tayo." Nagaalala nyang sabi. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay sa likod nya. Niyakap ko ang mga kamay ko sa kanya at pinikit ang mata ko dahil hindi ko kayang panoodin ang mga zombies na kinakain ang katawan ng babae. "Let's go, sa 11th building muna tayo," Sabi ni Joshua at tumayo na. Nang maramdaman na tumatakbo na si Joshua ay napadilat ako at nakita ang mga zombie na nagkukumpulan doon. Napatulala ako at napatingin sa akle ko. Nakita ko na tumutulo na ang dugo ko dito pero hindi ko na nararamdaman ang sakit dahil mas nanaig ang sobrang takot at kaba na nararamdaman. "I'm sorry." Mahinang sabi ko kay Joshua. "Why?" Tanong nito. Narinig kong hinihingal na ito agad. Nagsimulang mamuo ang aking mga luha. Yumuko ako at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "I'm sorry pabigat lang ako," Mahina kong sabi sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD