ZH: CHAPTER NINETEEN

1054 Words
Eros' P.O.V. Hawak hawak ko ang baseball bat at nasa likod ko naman ang dalawa na si Royce at Jay. Puro zombie na sa labas at mukhang mahihirapan kami makalabas dito sa building at sa gate ng Ziefra High. Huminto ako ng nasa right side na hagdan o dulo na kami. "Aakyat tayo?" Natatakot na tanong ni Jay. Sumimangot naman ako at tinignan sya. Nanginginig ito at mahigpit ang pagkakakapit nya sa aking damit. Tinignan ko naman si Royce at mukhang hindi ito gaano natatakot sa nangyayari ngayon. Mukhang malakas din sya at kaya nya labanan ang mga zombies na makakasalubong namin. "Oo," sagot ko kay Jay. "Kailangan natin i-check ang buong building. Kailangan natin siguraduhin na walang zombies dito para dito na muna tayo magi-stay hangga't wala pang mga tutulong sa atin tsaka isa pa, baka may estudyante pa dito. Kailangan natin ng tao," sabi ko sa kanya. "Kung mas madami tayo, mas malaki ang chance na manalo o makasurvive tayo sa mga zombies na 'yon sa labas," sabi naman ni Royce at ngumiti. "Teka! Bakit ka ngumingiti?" Nakakunot noong tanong ni Jay kay Royce. "Why? Masama ba ngumiti?" Tanong naman ni Royce dito. "Siguro ikaw may pakana ng zombie outbreak na ito noh?" Bigla namang naglakad ng mabilis si Jay at nagtago sa likod ko habang nakatingin kay Royce. Agad na tumawa si Royce at napahawak na ito sa tyan mo na akala mo ay mamatay na sya kakatawa. Napasimangot naman ako dahil sa dalawang ito. Seryoso ba sila? Nasa panganib kami pero bakit ganito ang dalawang ito? "Seryoso ka ba? Ako magsisimula nitong Zombie outbreak? Para saan? Pfft!" Hindi parin ito tumitigil sa kakatawa. Sa tingin ko ay may sakit ang isang to sa pag-iisip. Napabuntong hininga na lang ako at tinignan si Jay na nakakunot ang noo habang nakatingin kay Royce. Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Jay sa aking damit at humakbang sa hagdan. "Bahala na kayo sa buhay nyo," nakasimangot kong sabi sa dalawa at pinagpatuloy na ang pag-akyat sa hagdan papunta sa pangalawang palapag. "Waitt!" Rinig kong sabi ni Jay at binilisan ang pag-akyat para masabayan ako nito. Nang makaakyat kami sa 2nd floor ay sumilip ako sa bintana dito sa hallway at nakita ang di kaaya-ayang tanawin ng Zeifra High. Nakita ko ang isang babaeng estudyante na tumatakbo at nahablot ito ng dalawang zombie. Agad akong napapikit at napabuntong hininga nang makita kung pano pagpiyestahan ang katawan nya. "Eww," sabi ni Jay. "Close your eyes kung ayaw mo makakita ng ganyan," sabi naman ni Royce sa kanya. "Hindi ko naman alam na ayan agad yung makikita ko pagsumilip ako dito sa bintana," asar na sagot ni Jay dito. Dumilat ako at tinignan ang dalawa. Hindi ba talaga sila titigil? Pano ko ba mapapatahimik ang mga bibig nitong dalawang to? Hindi ako makapag-concentrate at makapag-isip ng maayos kung ano ang dapat at susunod naming gagawin. "Hindi ba nandito sa building na to ang mga club room?" Tanong ko kay Jay. Mukha naman syang napa-isip at tumango sa akin. Ibigsabihin marami kaming pwedeng kuhain dito at gawing armas laban sa mga zombies. Tumingin ako sa mga rooms at tinignan si Jay. "Nasan yung music club room dito?" Tanong ko pa sa kanya. "Sa dulo!" Sabi nito at tinuro ang dulo ng hallway. "Okay, let's go there," sabi ko at pumalakpak. "Why? Anong plano mo? Anong gagawin natin?" Tanong ni Royce habang naglalakad at sinusundan ako. Hindi ako sumagot at nang nasa harap na kami ng music club room ay pinihit ko na ang doorknob at binuksan ito. Pagpasok ko ay binuksan ko ang ilaw at ginala ang paningin. Lumapit ako sa drum set na gamit ni Jay at kinuha ko ang dalawang drum stick nya. "Hoy! Anong gagawin mo sa drum sticks ko?" Magkasalubong ang kilay nito at masama ang tingin sa akin. "Here's your weapon," sabi ko sa kanya at hinagis ang dalawang drum stick. Muntik na nya itong hindi masalo dahil nilakasan ko ang pagbato dito kaya sinamaan nya ako ng tingin at ngumiti ako sa kanya. "What do you mean?" Tanong nya habang nakatingin sa dalawang drum sticks nya. Hindi ko sya sinagot at kinuha ko ang electric guitar dito. Nakatingin silang dalawa ni Royce sa akin na parang naguguluhan. Tinaas ko ang electric guitar at hinampas ito sa sahig. "Hoy!!" Galit na sigaw sa akin ni Jay. "Alam mo ba kung magkano yang sinisira mo? Tsaka alam mo kung kanino yan ha?" Lumapit ito sa akin. "Wake up, Jay. Money doesn't matter anymore. Aanhin mo din ang mga gamit na to? Tutugtug ka? Para kanino? Sa mga zombies?" Sabi ko dito ay ngumisi. "Royce," tawag ko kay Royce. Nakita ko namang nakatingin sya sa akin at nakatayo lang sya malapit sa pintuan. "Here's yours," sabi ko at binato sa kanya ang electric guitar na ngayon ay patulis na ang dulo dahil nabali na ito. "Kailangan din natin ng mga gamot at pagkain," sabi ko at lumabas na sa music club room. "Nasan yung cooking club room dito?" Tanong ko pa kay Jay. "Sa 3rd floor," nakasimagot na sagot nito sa akin. Alam ko kung ano ang nararamdaman nya. Mahala sa kanya ang music club nya. Mahala sa kanya ang mga instrument pero mas mahala ang buhay namin. Kailangan namin gawin to kung gusto pa naming maka-survive. "Let's go," sabi ko at pumunta sa hagdan. Umakyat na kami sa 3rd floor at malapit sa hagdan ang room ng cooking club. Hinawakan ko na ang doorknob pero napakunot ang noo ko nang maramdaman na basa ito. Dahan-dahan kong tinignan ang doorknob at nanlaki ang mata ko nang makita na may dugo ito. "Dugo ba yan?!" Gulat na tanong ni Jay. Pinunas ko sa jacket na suot ko ang kamay ko at sumilip sa bintana para makita ang loob ng cooking club room. Nakita kong may isang lalaking estudyante dito ang nakatalikod. Anong ginagawa nya dito mag-isa? Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang doorknob. Matapos kong punasan ang doorknob ay pinihit ko na ito at unti-unting binuksan. Nakatalikod at tahimik padin ang lalaki. "Be careful, baka zombie ang isang 'yan," bulong ni Royce sa amin ni Jay. "I know," sagot ko at dahan-dahan kaming tatlo pumasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD