Raselle's point of view Nagising ako sa sunod-sunod na doorbell, wala na si Kuya sa tabi ko kaya pinuntahan ko ang pinto. Sina Kuya Brent, Blake at Johann na mukhang pagod na pagod at parang walang tulog. Tumakbo na muna ako sa akwarto at nag suot ng roba dahil naka nighties lang ako. Habang naglalakad na ako sa papunta sa pintuan ay ibinubuhol ko na ang aking roba. Pagbukas ko ay nakatitig ulit sila sa akin kaya ngumiti ako. "Saan kayo natulog kagabi mga Kuya?" Tanong ko agad, ako na ang unang nagsalita dahil mukhang bangag ang kanilang pagmumukha. "Good morning, pancake. Ah eh hindi kami natulog eh. Umupo lang kami sa VIP room. Ngayon palang namin ipapagawa ang aming mga susi." Sagot ni Kuya Blake. Pinapasok ko na sila at nagpa-alam ako na may gagawin lang sa kwarto saglit. Mabilis

