Darren's point of view Pagdating namin sa bahay ay agad pinanuod ng kasintahan ko ang aming guesting. Halata ko sa aking mga kaibigan na kinakabahan din sa sasabihin niya dahil Alam namin kung gaano siya kagaling. "Pwedeng balik nalang kami kapag kainan na?" Tanong ni Blake na parang gusto nang lumabas sa pinto. "Oo nga Raselle, balik nalang kami mamaya." Segunda ni Johann at tumayo na din. "Ano mas maganda na kasama ko kayong manuod sa first guesting ninyo." Sagot niya na hinila ang dalawa pabalik sa kanilang upuan. Si Brent ay nag takip na ng mukha. Hinanap na niya sa YouTube ang replay ng aming guesting. Nagulat kami dahil millions na agad ang views. "Wow ang dami ng views mga kuya!" Bulaslas niya na napapalak pak. "Mas maganda na samahan ka namin na panuorin ang performance nam

