Vince's point of view continues Pinabinyagan namin ang aming kambal at ang mga ninong at ninang ay mga panganay na anak ni Harry, Josh at Caleb. Kay Lovely ay si Harry jr ang nag proxy muna dahil wala ito. Feeling ko tuloy ay naging teenager ako dahil puro nga bata ang kumare at kumpare ko. Naging masaya ang binyag ng aming kambal lalo na at maraming pa games na pambata at pang matanda. Katatapos ko lang pinalitan ng diaper si Nathaniel at ang maloko kong anak ay nag ebak ulit. Pinugpog ko siya ng halik at bumalik kami sa washroom. "Buddy, paabutin mo naman ng 3 hours ang diaper mo." Sambit ko at humagikgik lang siya. Naghugas na ako ng kamay at lumabas na kami. Nagulat ako dahil parang hinihintay kami ni Joanna. "Tito o pare" nag aalangan na sambit niy. "You can call me Tito kun

