Chapter 5

2155 Words
Chapter 5 Kinabukasan ay maaga pa ring pumasok sa trabaho si Monina. Maaga rin kasing dumating si Helen bitbit nito ang bunsong anak na lalaki. Wala raw kasing mapag-iwanan kaya't dinala na lang nito ang anak sa hospital. Mabuti na lang at pumayag ang doktor na naiintindihan rin siguro ang kanilang sitwasyon. “Monay, kumusta si mother mo?” tanong ni Darlene sa kanya na ikinaangat ng kilay niya. Nasa isang private room sila ngayon at nagku-koskos ng inidoro. Inis na binalingan niya ito dahil ibang pangalan na naman ang tawag nito sa kanya. “Oh, bakit ganyan ka makatingin sa akin? Nagtatanong lang naman, ah!” “Gusto mo ihampas ko itong pangkuskos ng inidoro sa ‘yo? Lakas mong mang-asar, eh!” “Ay! Pikon ang lola! Masama bang magtanong? I’m concern to your mother, so what's wrong?” madamdaming saad ni Darlene, kaya naman ang inis ni Monina ay napalitan ng malakas na tawa. “Loka-loka ka talaga! Napapasaya mo ang araw ko!” natatawa niyang sabi bago ipinagpatuloy ang ginagawa. “Seryoso, kumusta na ang nanay mo, Monie?” muling tanong nito. “Ok na naman siya, natutuwa ako't naoperahan na sa wakas,” tugon niya habang patuloy sa pagpupunas ng inidoro. “Mabuti naman at naoperahan na siya. May pambayad ka na ba sa hospital?” may pag-aalalang usisa ni Darlene. Alam kasi nito na kapos din siya sa pera, kaya siguro naitanong nito iyon. “O-oo! Nakapanghiram ako,” tipid niyang tugon. Iwas na iwas ang tingin niya rito. Natatakot siyang malaman ni Darlene ang totoo. Baka kung ano kasi ang isipin nito. Pasalamat na lang siya dahil hindi na muli itong nag-usisa pa sa kanya. Mga bandang alas-dyes ng umaga ay ginulantang sila ng mga bisita. Dumating pala ang mga kamag-anak ni Mister Zaire dahil sa reunion na gagawin ng pamilya nito. Doon lang nakita at nasaksihan ni Monina kung gaano kayaman ang mga ito. Mga labing-walo ang dumating sa hotel at ang iba naman ay on the way pa. Kaya naman hindi sila magkamayaw sa gagawin. “Monie, pinapatawag tayo ni Miss Agatha,” saad ni Darlene sa kanya. “Saan?” “Sa opisina niya, mukhang may ipapagawa na naman sa atin,” anito. Magkasabay silang nagtungo ni Darlene sa opisina ni Miss Agatha. Ito na ngayon ang bago nilang Senior Chambermaid at nagsisilbing manager na rin nila dahil nag leave si Miss Tessie ng ilang buwan. “Good morning, ladies! Siguro nagtataka kayo kung bakit biglaan ang pagpapatawag ko sa inyo,” panimula nito. “Hindi naman siguro lingid sa inyong kaalaman ang pagdating ng Zaire's clan. Marami sila at may paparating pa na bente katao. Kulang ang mga waiter at waitress natin ngayon kaya't ang iba sa inyo ay ilalagay ko muna sa Dinning Area. Kayo muna ang magse-serve sa kanila habang sila ay naririto pa. It's that clear?” mahabang paliwanag nito sa kanila. “Yes, Ma'am!” managsabay naman nilang tugon. Pagkatapos ng madaliang meeting ay agad na nagtungo sila sa maids room kung saan sila magpapalit ng uniform. Naka pang waitress naman sila ngayon. Kaya't napilitang maglagay ng kolerete sa mukha ni Monina. Hindi siya sana'y sa make-up ngunit dahil sa tawag ng trabaho ay natutunan niya na ring mag-ayos. Magkasabay pa rin sila ni Darlene na pumunta sa Dinning Area kung saan naroroon ang mga bisita. May halong kaba at excitement ang nadarama ni Monina sa mga oras na iyon, dahil alam niyang posibleng naroroon din si Lourd. Hindi niya alam kung papaano ito haharapin pagkatapos ng pag-uusap at napagkasunduan nila kagabi. Ngunit hindi pa man din sila nakakarating sa pupuntahan ay agad na silang sinalubong nito, kasama ang isa sa mga kamag-anak nitong madalas na makita ni Monina sa magazine. “G-good morning, Sir!” bati niya sabay yukod ng ulo. Lihim niyang siniko si Darlene dahil bigla itong natulala sa kaharap na lalaki. Ang pinsan ni Mister Zaire na si Israel Zaire. “Good morning! Pagkatapos n'yong mag-serve mamaya, can you go to my room? Mayroon lang sana akong ipapaayos,” seryoso nitong sabi sa kanya bago sila nilagpasan. Hindi man lang hinintay na makasagot siya. “Hoy! Ano'ng nangyari sa 'yo at hindi ka na nakapagsalita r'yan?” taka niyang tanong kay Darlene na tila binuhusan ng malamig na tubig. “W-wala!” tipid nitong tugon. Ngunit bigla itong naging balisa sa hindi malamang dahilan ni Monina. Buong maghapon silang nag-asikaso ng mga bisita. Hanggang sa sumapit na ang papalubog na araw. Ang lahat ng bisita nila ay nagsilipat naman sa likurang bahagi ng hotel kung saan naroroon ang dagat at napakalaking swimming pool nito. Extension iyon ng Zaire's Hotel. Doon kasi madalas tumambay ang mga bisita dahil kaharap lang iyon ng Mariwasa Zaire's Resort na pag-aari rin naman ng mga angkan ni Lourd. Ilang metro lang ang layo n’yon mula sa Zaire's Hotel na sa katunayan ay kayang-kaya lamang languyin ng mga expert swimmer. Sasakay ka lang ng Kayap o floating bar na siyang ginagamit papunta roon. Sandaling nagpahinga muna si Monina sa naroong bench. Kakatapos niya lang mag-ayos ng mga detergent sa bodega na kaka-deliver lang ng malaking truck. Dahan-dahan niyang ipinilig ang ulo habang pinapatunog ang mga daliri sa kamay. Paraan niya iyon upang makaramdam ng kahit konting ginhawa. “Monie! Tawag ka ni Miss Agatha,” saad ni Cristy na nasa tabi niya na pala. Isa rin itong chambermaid tulad niya. “Sa office ba?” tanong niya habang nakamasid sa mga taong naroroon. “Oo, abala sa pagche-check ng mga dumating na produkto,” tugon nito. “Sige, dito ka muna at pupuntahan ko lang siya sandali,” paalam niya rito. Mabilis ang mga hakbang na bumalik siya ng hotel upang puntahan si Miss Agatha sa opisina nito, at dahil nasa likuran bahagi siya ng hotel ay kailangan niya pang dumaan sa isang maliit na bridge kung saan siya tatawid pabalik. Pagdating niya sa opisina nito ay isang malakas na pagkatok ang ginawa niya upang makuha ang atensyon nito. “Oh, come in!” nakangiti nitong saad nang makita siya. “Pinapatawag niyo po raw ako Miss Agatha,” agad niyang sabi. “Oo, pumunta kasi rito si Mister Zaire at hinahanap ka. Meron daw siyang pinapagawa sa 'yo na hindi mo pa raw nagagawa. Ano ba ‘yun?” tanong nito. Halata sa mukha ang pagtataka. Dahil sa sinabi nito ay biglang naalala ni Monina ang inuutos ni Lourd sa kanya. “Nakalimutan kong linisin ang kuwarto niya,” sagot niyang hindi tumitingin dito. Nagtaka siya nang bigla itong tumawa. “Bakit po, Miss Agatha?” kunot-noong tanong niya. “Wala! May naaalala lang,” tipid naman nitong tugon. “Maaari na po ba akong umalis? Pupunta na po ako sa kuwarto ni Mister Zaire,” paalam niya. “Yes! Go ahead!” nakangiti nitong sabi. Habang sakay ng elevator patungo sa kuwarto ni Mister Zaire ay nag-iisip na si Monina kung ano ang una n’yang sasabihin dito. Talagang nawala sa kanyang isipan ang ipinag-uutos nito. Napapikit na lang siya, dahil nakikita na niya ang itsura nito. Ang matangos nitong ilong at ang mapupungay na mga mata. “s**t! Bakit ba ginugulo niya ang isipan ko!” parang tanga niyang kausap sa sarili. Buti na lang at wala ang kanilang operator sa elevator, nakakapagsalita siyang mag-isa na walang pumupuna sa kanya, dahil mag-isa rin naman siyang sakay roon. Napabuga na lang siya ng hangin nang bumukas na ang elevator. Kinakabahan siyang humakbang papalapit at kumatok sa pintuan nito. Hindi na siya gumamit pa ng susing hawak dahil alam niya namang naroroon lang ito sa kuwarto nito. “It's six-thirty in the evening. Do you think makakapaglinis ka pa nito ng maayos?” agad nitong bungad pagbukas ng pinto. Halos hindi siya makapasok dahil sa laki ng katawan nitong nakaharang sa may pintuan. “Sorry. Hindi ko kasi namalayan ang oras. Busy po ako kanina, Sir!” aniya na hindi makatingin ng diretso rito. Sandaling natahimik ito, pagdaka’y umatras ng konti upang makapasok siya ng tuluyan. Mabilis na tinungo niya ang mini bar nito at nagsimulang ligpitin ang mga baso. Lumapit ito sa kanya at nailang siya nang maramdaman ang matigas nitong muscle sa dibdib. Halos kita na niya ang magandang katawan nito dahil sa suot na sandong puti at hapit na boxer short. Hindi siya makatingin sa ibabang bahagi nito dahil nasisilip niya ang maselang bahagi na bakat sa suot nito. Pinaglakbay niya ang paningin sa buong kuwarto at parang wala namang nagulo o kahit na ano mang kalat doon maliban sa dalawang basong niligpit niya. “Sir, may ipapalinis pa ba kayo sa ‘kin? Mukha naman pong malinis ang buong kuwarto,” saad niya habang patuloy sa pagmamasid. “Actually napalinis ko na kanina. Hindi na ako nakapaghintay sa ‘yo.” "So, puwede na ba akong umalis?” tanong niya. “Hindi! Halika at samahan mo na lang akong uminom,” anito na kumuha ng baso at ibinigay sa kanya. Hindi niya nakuhang tumanggi sa takot na magalit ito. Binuksan nito ang refregirator at mula roon ay kinuha ang isang bote ng mamahaling alak. “Ano'ng gagawin ko rito?” tila wala sa sariling tanong niya. “Let's celebrate dahil sa wakas ay naoperahan na ang nanay mo.” Takang napatitig siya rito. Paano nalaman nito iyon, samantalang wala pa naman s‘yang sinasabi rito. “Don't be surprised! Simula pa lang ay pinasusundan na kita. Alam ko kung ano ang nangyayari sa buhay mo ngayon, Monina! Kaya't huwag kang magsisinungaling.” mahabang sabi nito. “Akin na ang baso mo,” utos nito sa kanya. Nagdadalawang isip na iniabot niya ang baso rito. Nagsalin ito ng alak doon at pagkatapos ay muling ibinigay sa kanya ang baso. “Sit here!” muling utos nito. Ngunit hindi siya natinag para siyang ipinako sa kinatatayuan sa paraan ng pagtitig nito. “Hey! Are you listening?” Mabigat ang loob na umupo siya sa tabi nito. “Tell me about yourself,” tanong nito na nakaayos na ng upo. Nasa kandungan nito ang dalawang throw pillow na siyang ginawang pantakip nito sa maumbok na harapan. Habang ang mga paa’y nakapatong sa oval na mesa. kagat-labing sinulyapan niya ito. Bakit mas’yado yata itong interesado sa kanya. “Ano po ba ang gusto n‘yong malaman?” “Anything! Iyong dapat kong malaman.” “Mukhang wala na yata akong kailangan pang sabihin. Magdadalawang taon na ako rito sa hotel at wala naman po siguro akong ginawang mali para sa ikakasira ng hotel ninyo, kaya‘t mawalang galang na, Sir. I can't answer your question,” may diin niyang sabi sabay tungga ng basong may lamang alak. Lihim siyang napapikit nang bumara sa kanyang lalamunan ang matapang na likido. Marahas na napabuga ng hangin si Lourd. Masyado yata s‘yang naging obvious sa pagtatanong kay Monina. Hindi siya sana‘y masagot nang ganoon, ngunit bakit pagdating dito ay bigla siyang nawawala sa sarili. “Kailan kayo titira sa bahay?” pag-iiba niya ng usapan. “H-hindi ko pa alam. Hindi pa puwedeng lumabas ng hospital si nanay dahil kahapon lang siya inoperahan.” “Just let me know kung puwede na. Ako mismo ang magsusundo sa inyo.” Biglang nakaramdam ng inis si Monina. Bakit parang pag-aari na sila nito kung ituring. Porke’t pinahiram siya nito ng pera ay ganoon na lang? Pinapangunahan siya sa mga gusto at hindi niya gustong gawin. “Hindi ko naman nakakalimutan ang utang na loob ko sa ‘yo pero sana naman konting respeto lang, Sir!. Nawawala na po kasi ang dignidad na meron ako dahil sa ginagawa mo,” taas-noo niyang sabi. Mukhang gusto na yata niyang magsisi sa nagawang desisyon. Saglit na natahimik si Lourd at tikom ang kamao na napatitig kay Monina. Seryoso ang mukha nito, ngunit nakikita niya ang lungkot sa mga mata. 'Yung tipong maiiyak. Hawak pa rin nito ang baso na wala nang laman at nilalaro na lamang ng mga daliri nito. “I’m sorry!” hinging paumanhin niya habang patuloy itong tinititigan. “You can leave now! Puwede ka nang umuwi at kapag nagtanong sila sabihin mong inutusan kita.” Sandaling natigilan si Monina. Baka kasi nagbibiro lang ito. “Just go! Bago pa magbago ang isip ko,” muli nitong sabi. Kaya’t agad na lumabas ng kuwarto si Monina. Walang lingon-likod. Pagkalabas niya ay saka pa lang siya nakahinga ng maluwag. Napakamot na lamang ng ulo si Lourd nang wala na si Monina. “What the hell!” inis niyang kausap sa sarili. Muli siyang nagsalin ng alak at diretso iyong tinungga. Hindi siya ang klaseng lalaki na naghahabol sa babae. Like what he did to Danica. Masiyado na yata siyang napapraning sa dami ng gagawin. Dumagdag pa ang mommy Lourdes niya na ang gusto ay hanapan daw na magaling na yaya si Angel. Hindi na yata nito kinaya ang kakulitan ng apo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD