Chapter 19 Alas-dyes na ng gabi at natapos na rin ang kasiyahan. Ngunit hindi pa magawang magpahinga ni Monina. Lunod pa ang kanyang isip sa mga nangyaring kaganapan kanina. “Hi! How's your day?” putol ni Lourd sa kanyang pag-iisip. Alam nitong balisa pa siya sa mga nangyari. “H-hindi ko alam kung maganda ba ang araw ko ngayon,” tapat niyang sabi. “Magkausap pa rin ang nanay mo at si Tito Reynaldo. Mukhang binabawi nila ang mga panahong hindi sila nagkausap,” saad nito. “Oo, kaya nga hinayaan ko na lang muna sila kahit dis-oras na ng gabi.” “It's ok, alas-dyes pa lang naman, hindi pa nakakasama sa health ni Tita Rosita.” Sumulyap siya rito at mataman itong tinitigan. “Galit ka ba sa akin?” diretso niyang tanong “Nope! But i'm jealous!” Hindi siya kumibo at nanatili lamang nakat

