Chapter 12 Masayang pinanuod ni Lourd ang anak at si Monina habang naliligo sa malaki nilang swimming pool. Hindi niya alam na magaling pala itong lumangoy. Bigla siyang napadapo sa mga dibdib nito na kagabi lang ay sakop ng bibig niya. Medyo nahihiya siyang makipag-usap dito dahil sa nangyari kagabi. At maging ito ay halatang naiilang sa kanya. “Can we talk?” agaw pansin ni Danica sa kanya. Nagulat si Lourd nang makitang naka two piece lang ito. “Are you going to swim?” tanong niyang hindi sumusulyap dito. Sa halip na sagutin siya nito ay lumapit ito sa kanya at umupo sa kanyang tabi. “Galit ka pa rin ba sa akin?” “Honestly, yes! Ngunit hindi dahil sa ipinagpalit mo ako sa iba, kung hindi mas pinili mong makasama ang lalaki mo kaysa kay Angel. Sa totoo lang wala akong pakialam sa ‘y

