Chapter 41 Hindi maipaliwanag ni Monina ang tuwang nadarama habang namamasyal sa malawak na pasyalan. Matapos nilang mamili ni Lourd ay idiniretso siya nito sa park at ipinasyal. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagkabata. Hindi siya nakaranas nito noon, bata pa lang ay nagbabanat na siya ng buto. “Go, get him!” utos ni Lourd nang mapansin nito ang pagkagiliw niya sa isang ibon na naroroon sa pinuntahan nilang minnie forest. Iyon ang tawag sa maliit na kasukalan na pinuntahan nila. “Baka naman pagalitan ako ng nagbabantay rito.” Bahagya siyang inusog ni Lourd at ito na mismo ang kumuha sa ibon. “Oh! Baka naglilihi ka pa rin,” biro nito sa kanya. Napasimangot na lang siya, pero nasa dibdib ang tuwa. Pinagbibigyan kasi siya nito sa mga gusto niya. Hindi niya man aminin, ngunit ang t

