CHAPTER 1: Naugthy

1046 Words
Having good-looking posture—that was what the Gustav siblings had. They were born looking like Greek gods who came down from heaven to spread perfection. Hindi man nag-g-gym araw-araw si Gilbert, ay taglay na nito ang nakakatakam na 'abs' at malaartistang mukha. Tila kumikinang ang katawan niya nang masinagan ng araw pag-ahon niya mula sa pool. Mag-isang linggo na rin magmula nang makabalik siya mula sa seminar sa San Simon. Ibinalot niya sa basang katawan ang puting tuwalya bago humakbang tungo sa upuang kalapit ng pool saka komportableng humiga at nagbilad sa araw. He had everything. And he was not gay. Dahil tunay siyang lalaki. Iyon nga lang, takot siya sa babae. Ewan, pero pakiramdam kasi niya ay tuwing lalapitan siya ng mga babae ay parang nakagawa siya ng isang kasalanan. “Medring, can you get me something to drink?” ngiting utos niya sa katulong na si Medring, ang limampung taong gulang na babaeng balo. Bahagya siyang bumangon at muling tumayo. Dahil nga tanging swimming trunks lamang ang suot niya ay tuloy bumakat ang kanyang hinaharap, bagay na ikinalunok ng babae. “Medring,” mahinang untag niya sa nakangangang babae. Bahagyang kumunot ang noo ni Gilbert nang hindi pa rin umiimik ang inuutusan dahil nakatitig lamang ito sa umbok niya sa ibaba. Kaya isang pag-snap ang kanyang ginawa para matauhan ito. “Ay! Ha? A-ano po ’yon, se-señorito?” nagkakandautal na sagot ni Medring. Nasapo ni Gilbert ang kanyang noo at saka ngumiwi nang bahagya bago napabuntong-hininga. “Haist! No need. Ako na lang,” pagtanggi niya at agad na umalis sa harapan ng babae. Tila kinilabutan siyang isipin na pinapantasyahan siya ng katulong na iyon. At ilang minuto ang nakalipas ay nakapagpalit siya ng damit. Suot niya ang kulay pulang polo t-shirt na tinernuhan niya lamang ng striped khaki shorts at branded na sapatos. Komportable siya sa sinuot nito at nakangiti niyang ibinulsa ang magkabilang kamay sa bulsa ng kanyang shorts matapos maglakad patungo sa labas para sana ay mamasyal. Ngunit nakasalubong niya si Georginia, na nakasimangot na naman ang mukha. He let out a sigh before stepping closer to his sister. When Georginia noticed him, she immediately smiled at him. “Where are you going?” usisa sa kaniya ni Georginia. “I'm going outside,” tipid na sagot niya sa kapatid. Biglang umaliwalas ang mukha ni Georginia sabay pumulupot ito sa kanyang braso at makikita sa mukha nito ang tuwa. “You mean, you're free tonight? Please, Gil. Punta tayo ng bar. Kuya Gal won't let me go there, so I'm begging you, please,” pakiusap sa kaniya ni Georginia, bagay na ikinaangat ng kanyang kabilang kilay at saka binigyan ito ng nakakamatay na tingin. “No! You're still a minor, Jo. So, just stay here. Ako ang malilintikan kay Kuya kapag pinayagan kita,” kunot-noong sabi ni Gilbert na siyang ikinangiwi at ikinairap ng kapatid niyang babae. Ngumuso ito sa kaniya at saka sinasadyang lakasan ang boses. “KJ mo! Tatanda ka talaga na kukulubot ’yang mukha mo dahil sa ka-striktuhan mo, Gil. Believe me!” anito. He was stunned, and at the same time, he was scared too. Who knows if Georginia's words carried a curse? “Wengya! All right! I'll just change what I'm wearing,” kamot sa ulong ani Gilbert, bagay na ikinangising tagumpay ng kapatid nito. IN a famous and well-known resto-bar, that was where Georginia brought him. Even though he didn't want to socialize with those around him, he managed it for his little sister. Tila pakiramdam niya ay lalabas na ang kanyang puso dahil sa sobrang ingay at lakas ng tugtog. Nakakabingi ito, at nakakapanghinang tingnan ang mga ilaw na paiba-iba ang kulay na siyang tumatama sa buong paligid. “I'll just wait for you out here. Huwag kang lumayo sa paningin ko, Jo. We both know na rito ang tambayan ni Kuya. So listen to me, kung ayaw mong umuwi nang maaga!” paalalang sabi ni Gil sa kapatid. Ngumiti sa kaniya nang ubod-tamis si Georginia sabay pagtango nito. “Yes! I will, brother. See ya!” nakangiting paalam ni Georginia habang napapaindak ito papalayo sa kaniya. Humakbang si Gil patungo sa isang vacant chair. Bago siya tuluyang umupo at umorder na rin ng maiinom ay sinundan niya ng tingin ang kapatid hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. Hindi pa man siya ganoon katagal mula sa pag-upo ay kung sinu-sino na ang nagrarampahang kababaihan sa harapan niya. Kumukulo ang kanyang dugo sa totoo lamang. Ngunit tinitiis na lamang niya at kinakaya ang mga ito sa pamamagitan ng pagpikit niya nang mariin at paghinga nang malalim. Tila kasi magkaka-allergy siya sa tuwing may babaeng humaharot sa kaniya. Naidilat niya ang kanyang mga mata nang may humaplos sa kanyang braso at agad na nagkasalubong ang kanyang mga kilay nang matitigan niya ito. “Hey, handsome! Mind if I accompany you? I'm free tonight,” malanding sabi ng babae sa kaniya na animo'y kinulang sa tela ang suot nitong fit na damit at halos pumutok ang dibdib nito sa sobrang higpit niyon. Hindi tuminag si Gilbert nang naupo sa bakanteng silya ang babae at saka sinadyang ibuka ang mga hita nito. Kung kaya ay lumantad at nasilayan niya ang kulay dilaw nitong panty. Mariin niyang pinasadahan ng isang tinging tagos hanggang buto ang kaharap mula ulo hanggang paa nito. At seryoso ang mukhang tumingin dito at walang kangiti-ngiting sumagot. “Sorry, I don't need your company, Miss. Next time—” seryoso ang mukhang sabi niya at tumayo mula sa pagkakaupo at humakbang palapit sa babae. The woman smiled as Gilbert approached her and whispered into her ear. The woman held her breath as she stared into the young man's eyes, but suddenly, the smile on her lips was wiped away after hearing what Gilbert whispered. She was stunned and her eyes went wide open. “Next time, match what you are wearing to the color of your skin, Miss. 'Cause you look like a clown to me,” nang-iinsultong bulong ni Gilbert. Pagkatapos ay ngumiti ito sa kausap ngunit hindi umabot sa kanyang mga mata bago ito iniwan nang walang paalam. Nanginginig na nakakuyom ang kamao ng babae dahil sa labis na pagkapahiya, at sa nadaramang inis nito ay napapadyak ang kanyang mga paa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD