PROLOGUE
"ANO na Trishna! Magtatanghali na at tulog mantika ka pa din diyan! Gumising ka na at bumili ng makakain namin!" bulyaw ni tiyang Lilet habang dinadabog ang pinto ng aking kwarto.
Miserable kong minulat ang aking mga mata ng balingan ang pinto. Gumagalaw ang nakasabit na damit at tuwalya doon habang patuloy ang pagdabog ng tiyahin ko.
Pagod akong bumangon sa kama. Napuyatan kasi ako kagabi sa pagtitinda ng balot sa kabilang kanto. Mas naging nakakapagod pa dahil wala pang napagbentahan kaya sakin ngayon ibinubuntong ni tiyang ang galit nito.
Ganito madalas ang nangyayari kapag walang napagbebentahan. GRO lang kasi ang trabaho ng tiyahin ko sa isang bar. At doon kami madalas na umaasa sa kinikita nito gabi-gabi. Extra income naman ang pagbabalot ko sa gabi. At ang asawa ni tiyang Lilet, ay siya na ang pumapit sa tricycle ng taty ko. Kaso, ipinang-iinom nito ang perang kinikita at walang naibibigay pandagdag gastos sa bahay.
Hindi ko minadali ang pagbukas sa pinto dahil sanay na akong ganoon ang pagkatok niya. Kinusot ko muna ang aking mga mata bago tuluyang buksan.
Nameywang si tiyang Lilet.
Nakasuot ng sobrang ikling shorts na kita na ang hiwa ng kepyas nito at naka spaghetti strap. Buhok niyang hindi pa nasusuklayan, medyo kulubot na ang balat, at nakasalubong ang kilay. Lagi siyang napapa-away kasi kahit normal na itsura nito'y napagkakamalan na mataray at parang nag-aamok ng away.
Ngunit sa kabilang banda noon, ay totoong ganoon ang ugali niya. Dagdagan mo pa ang pagiging dakilang tsismosa dito sa aming barangay.
Mas lalo siyang nagalit nang makita ang itsura ko na kagigising.
"Ano ka dito prinsesa? Hindi ka na nga nakapagbenta sa kanto nagawa mo pang matulog na parang wala kang prinoproblema?" sermon na naman sakin.
"Eh tiyang, alas sais na ng umaga ako nakauwi dito. Tinagalan ko na ngang magtinda para may mapagbentahan, kaso wala talaga." marahan kong paliwanag.
"Aba't kasalanan ko pa kung wala kang napagbentahan?" sarkatiko niyang sabat. "Problema mo na 'yan! Alam mo ang usapan, kapag walang benta, wala kang pagkain!" sabay pektus sa ulo ko.
Sa lakas non nagulo ang buhok ko sa bandang pinektusan nito. Inayos ko ang aking buhok at nayuko na lamang.
Ganoon ang usapan. Kapag wala akong napagbentahan, wala akong makakain. Kaya swerte nalang kung makabenta ako para may mailagay sa aking sikmura.
Kaso ngayon, siguradong kanin at asin nanaman ang kakainin ko.
Halos isaksak na sa aking baga ang pera na binigay. Napa-atras pa ako sa lakas sabay turo sa labas ng bahay.
"Lah! Sige! Bumili ka na ng pagkain sa karinderya. Gutom nako at malilintikan ka sa uncle Berting mo kapag walang naabutang pagkain sa mesa!" hinila niya ang kamay ko at tinulak-tulak palabas ng bahay.
Hindi ako lumaban. Kasasabi ko nga kanina, sanay na ako sa trato niya. Lahat na ata ng klaseng pananakit ay naranasan ko na. Kaya kahit ikaladkad nako sa daan ay wala na lang sakin.
Ganoon na ako kamanhid.
Kapatid ng tiyahin ko ang aking ama. Hindi ko rin kilala ang aking ina dahil noong maipanganak ako ay nilayasan kami ng tatay ko. Namatay naman ang tatay ko nang maatake sa puso habang namamasada ng tricycle. Kaya ang tiyahin ko nalang ang kumupkop sakin.
Wala akong ibang kilala na kamag-anak, kaya wala din akong ibang malalapitan. Kaya nagti-tiis na lamang sa pagiging malupit ng aking tiyahin. Tinitiis ko lahat ng pang-aabuso nila ng asawa niya dahil wala din naman akong matatakbuhan.
Minsan napapa-isip din ako bakit ganito ang naging buhay ko. Bakit sa mga ganitong klaseng tao pa ako napunta. Sana di nalang ako naipanganak, para hindi ko nararanasan ang mga pait at pighating nararamdaman.
Ang mundo ay kay lupit, ba't sakin ibinuhos ang galit?
Pagdating ko sa maliit na karinderyahan ay sinulyapan ko ang bawat ulam na nakalatag. Sa amoy pa lang, kumalam na agad ang aking sikmura. Tinitigan ko isa-isa ang bawat pagkaing naroon. Malas mo Trishna, hindi ka makaka-kain ng masarap na ulam. Tingin-tingin nalang muna.
"Oh, Trish. Bibili ka ng ulam?" tanong ni manang Salve nang lapitan ako.
Napalunok ako at tumingin sakanya sabay mabagal na pagtango.
"Alin diyan?" impit nitong ngiti. Dinungaw ang iilang nakadisplay na ulam.
Tinuro ko ang dinakdakan tsaka bopis. "Tapos tatlong kanin. Pagsamahin nalang po sa iisang supot." ani ko.
Nagsimula ng nagbalot si manang Salve. Naghahanap ako ng tamang tyempo para makahingi ng libreng sabaw. Hindi para kina tiyahin, kundi para iyon sakin.
Nang makita kong binabalot na ang binili ko nagpahabol nako ng sabaw.
"Manang, hihingi na rin ako ng sabaw."
Pumakla ang itsura niya. Halatang nainis sa aking sinabi.
"Hay nako ka, Trish. Sabihin mo agad." reklamo niya.
"Pasensya na po."
"One hundred." ani manang Salve.
Inabot ko ang bayad at ibinigay na sakin ang biniling ulam.
Papalapit nako sa bahay nang marinig ko ang boses ni tiyang Lilet na may kasagutan. Kaya naman binilisan kong naglakad. Pagkadating sa bahay ay naroon na si uncle Berting galit at lasing na lasing.
"Tanginang 'yan! Walang pagkaing madadatnan! Pagod na nga 'kong namasada tapos walang pagkain sa mesa! Letcheng bahay 'to!" pagwawala ni tiyong Berting.
Grabeng tambol ng dibdib ko sa takot. Nanlalamig ang buo kong katawan dahil naabutan ni tiyong na walang pagkain.
Nasa tapat nako ng bahay. Takot na takot pumasok, dahil alam ko na ang gagawin sakin ni tiyong. Ang matindi pa niyan, lasing ito.
"Eh aba! Maghintay ka! Inutusan ko na ang magaling kong pamangkin na bumili ng ulam."
"Nasaan ba siya! De putang ayokong may nadadatnan na walang pagkain sa mesa!" nang-gagalaiting sabi ni tiyong.
Ayaw na ng mga paa kong tumuloy sa loob. Gustong-gusto ng tumakbo para matakasan ang gagawin sakin ni tiyong. Kaso, dito din naman ako uuwi kahit maka-ilang beses ang pagtakas ko.
Lumagpas ang tingin ni tiyang Lilet kaya napasinghap ako sa gulat. Galit ang paglingon ni tiyong Berting at grabe ang pag-puyos ng mga mata nito sakin. Nanlilisik at nandidilim.
Malalaking hakbang na lumapit si tiyong sakin. Maliliit na martsa sa kinatatayuan ko ang nagawa ko pero di ako tumakbo. Hinablot nito ang aking buhok at kinaladkad papasok ng bahay sabay tulak at padapang bumagsak sa sahig. Muntik pa 'kong masubsob sa lakas non.
Naipit ang dalang supot sa pagkadapa ko at nagkalat ang pagkain sa sahig at sa 'king damit. Nanginig ang mga labi ko at miserableng tinignan ang sabaw na natapon.
Wala nakong masarap na ulam.
"Lintik kang bata ka! Natapon mo pa ang ulam!" inis na sabi ni tiyang.
"Wala ka na ngang silbe samin, simpleng utos na nga lang, hindi mo pa magawa ng tama! Pabigat ka talaga!"
Pilit akong tinayo ni tiyang tsaka padarang na binitawan ang braso ko. Agad kong hinawakan ang aking braso sa sakit ng kanyang pagkakahila.
"Tignan mo'ng ginawa mo! Natapon mo ang pagkain!" duro niya sa pagkaing nagkalat sa sahig.
Marahas naman akong hinarap ni tiyong Berting sabay malutong na sampal ang binigay sakin.
Napasapo na lamang ako sa pisngi na sariwa pa ang init. Humagulgol ako sa iyak at sa sakit ng sampal na natanggap. Sa lakas ay nabingi at nahilo pa ako.
"Bwisit ka talaga!" aamba pa sana si tiyong ngunit kinagat nito ang ibabang labi at napigilang sampalin ulit ako. "Pasalamat ka at masakit ang ulo ko. Kundi, lamog na sana ang mukha mo sa mga sampal ko." duro pa nito.
Lumabas na si tiyong ng bahay. Medyo pagewang-gewang ang lakad nito.
"Hoy! Saan ka na naman pupunta?" si tiyang na sinundan ang asawa pero hanggang sa pinto lang.
"Wala kang pakealam!" bulyaw ni tiyong at patuloy nang umalis.
Nilingon ako ni tiyang Lilet. Inis na inis sakin.
"Hoy! Linisan mo iyang kinalat mo. Hindi ka uuwi dito hangga't wala kang napagbebentahan mamayang gabi. Tandaan mo iyan, Trishna." banta sakin. Halos itusok na ang panduduro nito sa mukha ko at umalis na din ng bahay.
Humihikbi akong tinignan ang nagkalat na pagkain. Gamit ang kamay ay matiyaga kong pinulot ang ulam. Hindi ko pa nawawalisan ang sahig at sementado lang iyon, kaya ramdam ng mga daliri ko ang iilang dumi na dumikit sa ulam habang pinupulot ito.
Huhugasan ko nalang ang dinakdakan. Tutal masarap pa din naman kahit ganoon. Pero sa bopis, kahit huwag na baka walang matira.
Kahit na maagang almusal ang natanggap ko kina tiyong Berting at tiyang Lilet, eh masaya pa din ako. Dahil may makakain namang masarap na agahan. Titipidin ko rin itong ulam hanggang mamayang gabi. Para kung wala ulit benta, atleast may pagkain. Dahil siguradong butas ang aking bituka kinabukasan.
Hindi naman ako mamamatay kaagad kung nadumihan ang pagkain. Ang importante, masarap ang ulam, nabusog pa ako.
So, this is my life. Living in hell and will never see the light of hope in me.