Chapter 33

2104 Words

Her POV "Ouch!" Daing ko nang mariinan ng nurse ang paggamot sa sugat ko sa binti. "Careful," saad ni Greg na nasa tabi ko. Namutla ang nurse at mas naging ma-ingat ang pagkilos. "Aray! Aray ko ha!? Naiimbyerna na ako sa'yo! Parang sinasadya mo na diinan, e." Napalingon ako kay Clarence na nakataas ang suot na damit. Ginagamot rin ng nurse ang sugat niya sa tiyan. "Bakla, may abs ka pala? Six pa 'yan, a." Puri ni Elene at sinundot ang isa. Hinampas naman agad 'yon ni Clarence. "Punyeta, masakit nga, e! Tsaka naninindig ang balahibo ko, ano ba? Kusang tumubo 'yang mga 'yan," aniya. Umiling si Elene. "Weh? 'Yung iba naghihirap para diyan tapos sa'yo tumubo lang? Huwaw!" "Manahimik ka! Sana tubuan ka ng abs sa mukha, Elene!" "Psh. Huwag nga kayong maingay na dalawa." Saway ni Sunshine

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD