Her POV The training room is always full. Hindi na ito nawawalan ng laman na estudyante dahil lahat ay nagsasanay. Mabuti na lang at malawak ito kaya nakakaya nitong maglaman ng maraming bilang ng estudyante. Ang iba naman ay sa malawak na field ng academy nag-tetraining. Samantalang ang grupo namin ay napagpasyahan na sa garden na lamang mag-practice. Kasama sila Clarence, Sunshine, Hendrei at Hendrix. Si Greg ay hindi ko madalas nakasama sa mga sumunod na araw dahil abala siya sa pag-asikaso sa nalalapit na event. "Paano ba ginaganap ang annual ranking?" I asked them out of curiosity. Pansamantala kaming nakaupo sa damuhan na lapag, nagpapahinga lamang sandali. "Well," tumigil si Clarence mula sa pagpunas ng mga pawis ni Sunshine sa leeg saka ako hinarap. "Noong mga nakaraan na taon

