Her POV
Plus élevée?
Another French word. So, French ang madalas gamitin na salita rito para sa ilang mga titles. Kaso hindi ko naman alam ang ibig sabihin.
Umangat ang tingin ko sa papasok na grupo. At sa bawat hakbang na ginagawa nila, tila lalong bumibigat ang paghinga ng mga tao sa loob ng cafeteria. Pansin ang pagiging maingat nila sa bawat kilos na ginagawa. Bumibigat at tila lumalamig ang atmospera.
Pinagmasdan ko sila. Their group is consist of five people. Three boys and two girls. Nauunang maglakad ang hindi katangkarang babae. Umaalon ang itim niyang buhok sa bawat hakbang. Tila nanunuri ang mata niya, masungit kung tignan. Diretso ang tingin nito at taas noo. Maliit ang kan'yang mukha pati na rin ang kan'yang ilong at labi. She has a fair skin.
Nasa may likod naman niya banda ang lalaking malamig ang mata ngunit may ngising nakadikit sa labi. He has dark orbs, blacj haur in clean cut, at maayos na tindig. Halata rin sa gray shirt niya ang ganda ng kan'yang pangangatawan. Pansin ko pa ang pasimpleng nakaw na tingin at pamumula ng pisngi ng ilang babae.
Beside him is a slightly chinky guy. Itim rin ang mata nito, ngunit tsokolate ang kulay ng medyo mahaba nitong buhok. His hairstyle didn't affect his posture as a man, instead it emphasize his handsome feature. Nakaka-agaw rin ng atensyon ang presensya niya. He's definitely handsome.
At nahuhuli naman ang lalaki na naka-akbay sa isang babae. At first glance I thought they are in a relationship, couple or what. But when I examined their face carefully, I can say that they are twins. Identical twins. Hanggang batok ang buhok ng babae at pahaba ito sa harap na umabot hanggang sa kan'yang collarbone na litaw dahil sa asul na tube top niyang suot. Ang lalaki naman ay naka-top knot ang itim na buhok. Sumisipol sipol ito. They have the bad boy and bad girl look.
Hindi kalakihan ang kanilang itim na mata. Mula sa ilong, kulay ng buhok at mata, at labi ay pareho sila. Magkamukhang-magkamukha sila, but of course, their bone structures are different. Feminine and manly. Hanggang tenga lang rin ang babae kumpara sa taas ng lalaki.
All in all, they are all beautiful creatures, but behind their appearance I can feel something about them. That they are dangerous. Na dapat silang iwasan.
Lahat sila ay pumunta sa counter at nag-order ng pagkain. I refused to watch them and I just continue what I am doing. Kinakabahan akong malaman nilang pinagmamasdan ko sila at namamangha ako sa kanila.
Nanatiling tahimik ang buong paligid. Halos marinig na ang bawat simpleng kilos ng ilan. Hanggang sa marinig ko ang papalapit nilang mga yabag.
Halos mapasinghap ako nang pumwesto sila sa lamesa na nasa bandang harap ko. Dahil mas malapit sila, mas kumabog ang dibdib ko. They are scary, kahit wala pa naman silang ginagawa. Pinipigil ko ang sariling tumingin sa kanila, dahil may malaking tsansa na makasalubong ko ng tingin ang kung sino man na nakaharap banda sa gawi ko. I don't know why, pero ayokong mangyari 'yon.
Halos malalamig ang ekspresyon nila. Mga ekspresyon na magbibigay sa'yo ng kaba at takot. Their presence are intimidating. Na kapag sinalubong ka ng tingin ng mga ito ay tila manginginig ang tuhod mo at matutumba. You can sense the danger, authority and power. At sa paaralang ito lamang ako nakaramdam ng ganito.
Yumuko ako lalo ngunit nanatiling nakikiramdam. Tinusok ko ng straw ang karton ng pineapple juice at nagsimulang sumipsip doon. Pinigilan kong lumingon ng magsalita ang babaeng maliit sa grupo.
"So, sa Lunes na talaga ang opening ng class right?" malamig ang boses niya. Halos panindigan ako ng balahibo. Parang nagsisisi na tuloy ako na rito pumwesto. Ginusto ko lang naman maka-iwas sa mga estudyante but I think this is worse.
"Oh, come on Ezperanza, nabasa mo naman kanina sa office," bakas ang sarkasmo at katarayan sa boses ng isa sa mga kambal.
"I just want to be sure Xiela." Umismid ito. "Baka mamaya kasi, ma-postponed na naman for an unknown reason. Bored na bored na ako," malamig na sagot niya. So Ezperanza and Xiela is the name of the two ladies.
"Chill lang kayo. Masyado kayong hot," saad ng lalaking madalas na nakangisi.
"I know I'm hot, Elixir," saad ni Xiela at humalakhak ang huli.
"Gross." Bulong ni Ezperanza.
"Stop playing with my twin, Elixir," Banta ng naka-top knot. Itinaas naman nito ang dalawang kamay habang nakangisi.
"Easy bro."
"Let's just eat," singit ng kanina pang tahimik na lalaki. Napalunok ako nang marinig ang boses niya. It's gentle but still enough to scare me. Gentle but scary? So ironic, pero 'yon ang nararamdaman ko sa oras na ito.
Pilit kong binilisan ang pagkain. Pakiramdam ko hindi ko kayang magtagal na malapit sa kanila. Nabitawan ko ang kutsara dahil sa panginginig. Malamang dulot ng kaba at lamig sa lugar na ito. Kumalansing ang tray dahil sa pag bagsak nito. Nagkagulo ang sistema ko dahil sa kaba. Kinagat ko ang sariling labi at pilit na nag-ingat sa kilos nang maramdaman ang titig ng marami. I can also feel the cold stares that the so called Plus élevée are throwing at me. I almost sighed when I heard someone cleared his throat from that group at d'on nabaling ang kanilang atensyon.
Binilisan ko na ang pag-ubos sa salad. I need to get out of here. Mag aayos pa ako ng kwarto.
"Kelan ang dating niya?" rinig kong tanong ng isa.
"I really don't know, try to ask Last instead."
"I don't know, too. Let's just wait for him. You know very well that he's a very busy person."
Tumayo na ako at tahimik na naglakad paalis doon. Halos gusto ko ng tumakbo paalis pero pinanatili kong normal ang kilos. Kahit papaano, ayokong makita nilang takot ako. Bago ako sa lugar na 'to, kaya hindi ko alam kung anong mayroon dito.
Hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng cafeteria.
Mabilis kong tinungo ang building ng dorm at sumakay sa elevator. Sumandal ako sa dingding at hinawakan ang dibdib. Bakit kakaiba ang pakiramdam ko sa Academy na 'to. Lokasyon pa lang nila ay kakaiba na! Malayong-malayo 'to sa city. Isn't it weird na nasa tuktok ng bundok ang isang paaralan?
And the students! Iba sila kumpara sa mga estudyante na nakasama ko sa pag-aaral n'on. Oo, may mga bully doon, but there's really something different from the students here. They are mysterious. It feels like they are like hiding behind a mask.
Maaga akong nagising kinaumagahan. Halos kasunod ng pag-alarm ng alarm clock. Ni-set ko pa ito, pero dahil sanay akong gumising ng maaga, naunahan ko pa. Pinatay ko na ang alarm clock bago tumayo. Nag-unat ako ng braso at nakangiting tinungo ang glass window. Hinawi ko ang kurtina at pinagmasdan ang halos kakasikat pa lamang na araw. Nag-unat unat ako habang nakamasid sa may baba. Sana maging maayos ang araw na 'to para sa akin!
Pagkatapos magpapawis ay hinanda ko na ang mga damit ko. Nag-shower ako at matapos non ay sinuot ang napiling sleeveless na blouse at denim skirt na hanggang itaas ng tuhod. Hindi naman ganoon ka-exposed ang hita ko atsaka hindi naman ako naiilang since I used to wear skirt that is above the knee dahil gano'n uniform no'ng junior high student pa lang ako.
Napangiti ako habang tinitignan ang mga perfume na nasa harap ko. May complete set pa ng make-up kit, pero dahil hindi ako gumagamit no'n nakatabi lang iyon. Maganda rin naman tignan ang mga kulay kaya magandang display. Pagkatapos mag-ayos ay dinampot ko na ang card at masayang lumabas ng kwarto.
Marami-rami na rin ang mga naglalakad. May mga nag-jogging pa. Mga early birds din pala ang mga estudyante rito. Tinungo ko ang cafeteria para mag-almusal. I ordered pasta, tuna spread sandwich at juice. Humanap ako ng pwesto, hindi na sa pwesto ko kahapon dahil maaaring dumating na naman ang nakakatakot na grupo na iyon. Bumuntong-hininga ako at nagsimulang kumain.
Magana akong kumain dahil sa pagkain. Ang sarap talaga ng sandwich na tuna spread! At ang pasta, napaka-sarap din ng luto.
Mabilis ko ring natapos ang agahan. Sandali muna akong umupo bago nagpasyang tumayo at tuluyang umalis doon.
Maingat akong naglakad at kung maaari ay itago ko na lang ang presensya, 'wag lang mapansin ng mga bully. Pero wala talaga eh.
Nabigla ako ng biglang iharang ng isang babaeng naka-upo ang kanyang paa sa dadaanan ko. Hindi ko iyon inasahan pero pilit kong iniwasan. But in return, may nabangga ako.
Napapikit ako nang tumama sa damit ko ang mainit na soup. Tumagos ito at naramdaman ko ang init nito sa aking dibdib. Napangiwi ako at kinagat ang labi.
"f*****g s**t!" Nanlaki ang mata ko ng makarinig ng mura. Unti-unti akong nagmulat at bumungad ang pulang-pula na mukha ng isang lalaki sa'king harap.
Feeling ko nakikita ko na ang usok na lumalabas mula sa kanyang tenga dahil sa galit. Pulang-pula ang kan'yang tenga, pisngi pababa sa kan'yang leeg. Kumabog ang dibdib ko sa kaba, nanginginig na rin ang tuhod ko pati mga daliri.
"Look.what.you've.done!?" Umalingawngaw ang malakas na boses na iyon sa apat na sulok ng cafeteria.
I'm dead! Surely dead!