Malayo pa lang ay natanaw na ni Mang Carlo sina Carmen. Kaya agad niyang kinalabit ang bunso niyang anak na si Justin. "Ate!" Masayang sigaw ni Justin habang patakbong sinalubong ang ate niya. Niyakap naman siya ni Carmen ng mahigpit. "Kumusta kayo dito? Ikaw, Justin, kamusta na ang pag-aaral mo?" "Okay naman kami, Ate. Ikaw, okay ka ba sa Maynila?" balik na tanong ng kapatid niya, sabay ngiti. "Ayos naman. Ikaw ha, baka pasaway ka kay Nanay." sabay kurot niya sa pisngi ng kapatid. Habang pinagmamasdan sila, napangiti si Tristan. Ramdam niyang sabik na sabik si Carmen sa kanyang pamilya, at malinaw kung gaano siya kamahal ng mga ito. Paglapit nila sa tatay ni Carmen, agad siyang ipinakilala ng dalaga. "Tay, si Tristan po, kaibigan ko... at—" medyo nahiyang sabi ni Carmen. "Good aft

